-ondoy-
sa eskwelahan tahimik na nakaupo
naghihintay ng prof na magtuturo
nakikipagkwentuhan sa isang kaibigan
nang si miss seryosong malungkutin ay tumabi sa aking upuan
ngumiti siya
kaya ngumiti rin ako
tumawa ang puso ko sa tuwa
seryoso siyang binulatlat ang notebook ko
sa isip ko anong ginagawa mo?
pero sino ako para awatin siya
nagulat na lang ako sa kanyang napuna
at mabilis ang pagtatanong niya
sinong author nitong mga nakasulat na pamagat
yan ang simpleng tanong niya
kaya ngumiti lang ako
at pinabayaan na siya
pero dahil seryoso na siya
kahit yata isinilang akong pipi talaga
ay magagawa niya akong mapagsalita
kaya ang sabi ko ako
sabay ngiti
pero ang sabi niya
weh. hindi nga
tumawa pa na parang nangloloko
kaya ngumiti rin akong naloloko
gusto kong magpaliwanag
pero hinayaan ko na lang
makakalimutan mo din yan
kaya hindi mo na rin kailangan ng katibayan
pero humirit pa siya
nagulat na talaga ako sa kakulitan niya
pabasa ako
yan ang sabi niya.
sa isip ko patay na
panu niya mababasa ang hindi pa nasusulat
mga pamagat lang yung ng aking imahinasyon
paanu ko maipapabasa sa kanya yun
kaya ang mabilis kong banat
kailan ang iyong kaarawan
sana hindi bukas
agad niyang kinuha ang planner ko
sinulat ang araw ng kanyang kapanganakan
nilagay pa ang nais na regalo
draft ng isang kwento ng sinulat ko
ngumiti siya pagkatapos
ako naman ay parang kandilang nauupos
buti na lang ng mabasa ko ang kaarawan niya
medyo matagal pa
as in matagal pa.
yung pwedeng kalimutan na..
at lumipas ang taon
oras, panahon at pagkakataon
hindi ko na siya nakikita
parehas na kaming may trabaho
siya inhinyero na at writer pa
ako naman ang leader ng mga welder at tubero
minsan nagtagpo ang aming landas
tama ako.
limot niya na ang nakalipas
di na niya matandaan
ang mga letrang sinulat niya sa munting kong planner
ayos naisip ko
halos malapit ko na ring makalimutan
ang kwento ng pamagat na kanyang gusto
sa isip ko babawi na lang siguro muli ako
ibang pamagat na ang babasahin mo
ibang istorya na ang aking ikukuwento
hindi na siya fiction nagustuhan mo noon
hindi na rin kasi uso yun
pero susubukan ko pa ring isulat
bahala na silang lahat
ay mali.. ako lang pala
kung bakit ko dinamay sila
trip ko lang, may problema ba?
at malamang nagtataka ka.
bakit ondoy ang aking pamagat?
trip lang din, katulad ng lahat
na nagtri-trip lang kung bumanat
pero trip ko siya.. at yun ay walang katulad.
nga pala malapit na talagang kaarawan niya
kung anong gagawin ko bahala na
mahaba pa naman ang oras di ba?
mahaba pa nga ba?
hala ka hindi ko na alam
hayaan na wala rin naman yata siyang pakialam
siguro ang dapat ko lang pakialamanan
eh yung puso ko at ang natatangi nitong laman
mahal ko siya... pwede pakisabi naman..
hoy ondoy. bagyuhin mo siya ng pag-ibig ko!!!
pakisabi mahal ko siya at hindi ako nagloloko.
dahil ang kaarawan niya ay ang pagbagyo mo
pero wag mo ng uulitin yun dahil ikaw ng babagyuhin ko..
bow.
mabuhay!!!
-ondoy-
Ipinaskil ni
snavero
sa
6:19 AM
1 (mga) komento
Mr. Late
At pagkatapos ng konting katahimikan
Ipinaskil ni
snavero
sa
6:36 PM
1 (mga) komento
"Ito"
"Ito"
Hindi ko alam kung bakit?
Hindi ko alam kung ano?
May hinahanap ba ako?
Wala naman siguro
Nagtatanong ang isip ko
Humihiyaw para sa hustisya
Nagmamakaawa sa hinaharap
Wag mo akong iwan ng ganap
Tangan ko'y papel
Habang naghahanap ng lapis
Gusot man ang pananaw
Pag-ibig ko ay labis labis
Wika ko'y di marinig
At labis na di maintindihan
Mga butil ng alaala
Sa aki'y tuluyan ng lumisan
Saan mang ang tungo ko
Di ko na binigyan ng halaga
Ang nais ko lang naman
Ay mga mumunting saya
Lunod sa madilim na kahapon
Itong puso't katauhan
Hanginin man ngayon
Kaligayahan kay hirap matagpuan
Sa aking paglalakbay
Nais ko'y makinang na ngiti
Ariin ko man ito
Puso'y mananatiling sawi
At itong kasalukuyan
Ang tanging hawak ko
Mabago man ang mundo
Tuloy pa rin ako
Hindi na yata mababago
Itong kamalasan ko
Ako na yata ito
At ang ito ay ako
mabuhay!!!
Ipinaskil ni
snavero
sa
4:43 AM
0
(mga) komento
Palaisipan.
palaisipan
Lagi kong sinasabi na ang buhay ay isang palaisipan.
Yung tipong mahirap sagutan.
Yung kala mo seryoso pero hindi pala.
Kala mo ang hirap pero nililito ka lang talaga.
Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko ito.
Ang totoo nanglilito lang din ako.
Wala din kinalaman tong sinasabi ko sa lathang to.
Dahil ang tanong kaya mo bang sagutan ang palaisipan ko?
Hard puzzle..
Focus and enjoy..
Scenario:
--May isang hunter sa isang malawak na gubat.
Meron siyang baril yung malaki at ang haba ay di masukat.
Binaril niya ang loro na may pinakamagandang pakpak.
Subalit siya'y sumablay at ito'y nakalipad.
At sa di inaasahang pagkakataon ang kawawang unggoy ay tinamaan.
Sapul ang unggoy sa katawan, nalaglag sa punong kinatatayuan.
Bagsak sa kalupaan at nagpagulong-gulong sa kabundukan
Hanggang umabot sa hantungan
Kung saan isang patibong ang naghihintay
Ang unggoy ay nahulog sa malalim na hukay
Kung saan nakatayo ang patusok na mga kawayan
At doon tusok tusok ang kanyang katawan..
Patay..
Ang tanong,,
--Ano ang ikinamatay ng unggoy??
Round 2.
Scenario:
Si juan ay galing klinika
Siya'y nagpa-check dahil di maganda ang pakiramdam niya.
At nang makauwi ito'y nakangiti
Ang saya niya na parang pag-aari niya lang ang tawa
Kaya ang tanong ng kanyang mga kaibigan
Bakit sagad ang iyong kaligayahan?
Ngumiti lang si juan at nagbigkas ng dahilan.
Cancer daw sa utak ang kanyang karamdaman
Lahat ng nakarinig ay nalungkot sa kanyang pagkasabi
Subalit ang pobreng si Juan matamis pa din ang ngiti.
Totoo ang kanyang karamdaman at walang halong kalokohan
Pero bakit itong si Juan tunay na tunay ang kaligayahan?
--Ang tanong.. Bakit ang saya pa rin ni Juan pagkatapos niyang malamang may Brain Cancer siya?
Last.
Scenario:
May dalawang dalagang magkapatid
Kanilang ina'y mahina na
Ito'y nakaratay sa karamdaman
At mga oras ay nalalabi na
Kaya't pagkatapos ng isang linggo
Kanilang ina'y yumao na
Ito'y kanilang ibinurol
Upang ipagdalamhati din ng iba
Sa burol ay madaming dumadalaw
Mga kaibigan at kakilala
Subalit may isang lalaki ang laging pumupunta
Na nagustuhan agad ng bunsong dalaga
Ang lalaking ito ay bago sa lugar nila
Walang nakakaalam ng pinanggalingan niya
Hindi rin nila alam kung bakit ito pumupunta
Ang alam nila nakikipagsugal lang ito sa iba
Pagkatapos ng burol ang ina ng mga dalaga ay inilibing na
Lumipas ang ilang araw na pangungulila
Hanggang pagtapos ng isang linggo pumutok ang balita
Patay na din daw ang panganay na dalaga
Pinatay ito ng walang kalaban-laban
Subalit ang dahilan ay walang nakakaalam
Lahat ay maaring pagbintangan
Dahil ang pumatay ay maari ring ikaw.. (Exxage)
--Tanong:
1. Sino ang pumatay sa panganay na dalaga?
2. Ano ang dahilan niya?
Sabi nila pagnasagot mo daw to ng walang kahirap-hirap..
Maari ka rin daw maging....
Psychopath!!!
mabuhay!!!
Ipinaskil ni
snavero
sa
7:34 PM
3
(mga) komento
"Eksamz"
Eksamz
Rewind tayo ng konti..
Let me put you back to day when I was in hayskul again.
*(wala tong kinalaman kay MV..na-get over ko na siya) hehe..
Second year hayskul..
Third grading period exam.
Alam natin ang pakiramdam pag-exam.
Tahimik at seryoso lahat ng estudyante.
Parang bawal nga ang magbiro at magpatawa.
Kasi bawal ang maingay kapag nag-mememorize.
Pero kahit anong gawin meron pa ring makukulit na hindi dapat kalimutan..
Sila yung mga tipong nagpapa-relax ng isipan.
O pwede ring sabihing nagpapalimot sa ating mga pinag-aralan..
Anong kinalaman ng mga sinabi ko kanina..
Wala siyempre.. Pangpahaba lang yun noh..
hehe..
Sa eskwelahan namin two days ang eksam..
* thursday and friday
Whole day ito..
Depressing at nakakaloko..
Sa katulad kong ayaw mag-stay sa eskwelahan.
Kailangan kong matapos ang exam sa loob ng kalahating araw.
Para pagnakatapos pwede ng magliwaliw at hanapin ang nakatagong kwento sa araw na iyon..
Maraming paraan para makatapos agad ng exam..
Dahil A,B,C,D ang choices napakadali lang nitong hulaan..
20mins lang yung.. 5mins per test paper..
Karaniwan na 50 items ang question and 4 choices of answer.
So kung huhulaan mo lang, may 25% kang possibility na makatama ka bawat question..
.25 multiply by 50.. 12.5pts.
Ipagpalagay mo ng 10pts para sureness..
At least di ka bokya..
Kung iisipin mo na meron ka ng 10pts na sure points..
Hula pa lang yun..
At 25pts lang ang passing..
15pts na lang pasado ka na...
Siguro naman out of 50 question meron kang natandaan kahit mga limang sagot na alam mong tama..
Browse ka lang ng konti sa questionnaire..
Pagtapos sumagot ka ng akala mong tama..
Saka mo na gawin ang secret technique..
A=Aywan ko
B=Bahala na
C=Mag-CC ka sa ginawa mo
D=Dapat lang
Just follow this format base sa inyong nararamdaman..
Sigurado ako..
Papalo ng 10pts na kulang yan..
Presto 25pts ka...
Pasado na..
Biro lang..
Mag-aral ka para pumasa noh.
Ginagawa ko lang yan kasi gusto kong makauwi na agad..
hehe..
Nakakaloko ba ang style ko..
Pero merong pa akong kilalang may mas nakakalokong style..
Jeffrey's way of answering..
Ganito ang sa kanya..
Step 1: Kumuha ng walong papel na pinilas sa rectangle
Step 2: Isulat ang mga letters na A,B,C,D. ng Tig-dadalawa.
* 2 each dapat para madami at pwede kang umulit ng dalawang beses..
Step 3: Irolyo ang mga papel at gawing parang maliliit na palabunutan..
Step 4: Ilagay sa bulsa ng polo o kaya pencil case.. baso ng palamig o softdrinks.
Step 5: Bumunot ng isa..Tingnan ang letrang nabunot at isulat ang sagot sa Testpapers..
*wag kalimutang alugin at isoli ang nabunot pagkatapos maisulat ang sagot.
Gawin ng paulit-ulit hanggang matapos..
Base sa aking karanasan at pagkakita kung paano ito ginagawa..
Labinglimang minuto lang ang iyong kailangan hanggang 30mins..
Tapos lahat ang iyong 4 exam...
Kung itatanong niyo kung nakatapos ng pag-aaral si Jeffrey..
Oo naman..
Kung nakapasa ba siya sa eksamz..
Siyempre hindi..
Pero natuto ako sa kanya..
Mali ang kumopya..
At mahirap manghula..
Lahat ng bagay ay may paraan..
Wala pang tanong na hindi nasasagutan..
Kung hindi mo susubukang paghirapan..
Wala kang mapapatunayan..
mabuhay!!!
Ipinaskil ni
snavero
sa
8:15 PM
0
(mga) komento
“Hello Kamatayan”
Ipinaskil ni
snavero
sa
6:24 AM
0
(mga) komento
"buwan"
"Buwan"
Hawak kamay sa ilalim ng buwan
Habang naglalakad sa dalampasigan
Dalawang pusong nagmamahalan
Ang aking nasaksihan
Tangan ay tungkod tungong hantungan
Binabagtas ang masukal na daan
At kahit parehong luhaan
Kanilang mga ngiti ay iyong mababanaagan
mabuhay!!!
Ipinaskil ni
snavero
sa
6:39 AM
0
(mga) komento