...

Biyernes, Hunyo 24, 2011

...

Sa ikli ng aming pinagsamahan hindi ko na siya makalimutan.
Nakakainis kasi minahal ko siya sa paraang hindi ko inaasahan.
Kung gaano ko na siya kamahal? Hindi ko na alam. (Hindi  naman nasusukat ang mga Abstract)


Ang totoo lagi kong pinagdarasal na sana, mahal niya rin ako.
Na sana kami na lang, upang magkahawak kamay kami habang binabagtas ang buhay.
Ako ang kanyang anghel, at siya naman ang aking diyosa. (Ang saya parang telenobela)

Pero mukhang kahit sa pangarap hindi na mangyayari yun.
Tinugis at pinatay niya na ako sa kanyang isipan. (Parang lamok.)
Sayang hindi ko nagawang sabihin ang aking tunay na nararamdaman. (Mahal kita kung alam mo lang sana!!!)


mabuhay!!!

"Para sa Aking Mahal"

Lunes, Hunyo 20, 2011

"Para sa Aking Mahal"

Dear CP;



Saan ka man naroon nawa'y nasa mabuti ka.
Gusto ko lang ipabatid sayo na binalikan kita.
Kaso wala ka na sa inupuan kong bus kanina.
Bakit kasi naisip mong tumalon sa aking bulsa?


Nasa iyo pa naman ang contact ng boss ko.
Tumatawag pa nga siya kanina di ba?
Bakit kasi hindi mo ko pinilit sagutin siya.
Kung alam ko lang gusto mong "magday-off" di sana sinamahan kita.

Paano na ngayon wala ka na?
Sasabihin ko na lang siguro na tumakas ka.
Dyahe lang sa klasmyt ko na nakita ko kanina.
Nag-iwan pa siya ng nos. tatangayin mo lang pala.

Okay lang sana kung ikaw lang.
Pero bakit sinama mong chaperon yung nos kong smart.
Kung gusto niyong mag-date..,kaya ko naman kayong i-set  up
Sana sinabi mo.., Alam mo namang "she was next to my heart".

Ang totoo hanggang ngayon iniisip pa rin kita.
Wala na kasi akong "phone a friend" pag may problema.
Hindi ka na kasi iba sa akin.
Kung sa iba "gadget" ka, sa akin kaibigang sandata ka.

Ikaw ang "taga-compute".
Taga-ilaw.
"Taga-save" ng mga ideya.
Pero sayang hindi mo kayang "mag-save" ng alaala.
Wala ka kasing "camera".
Pero okay lang, para sakin "the best" ka.
"Your the most" pa rin kahit ano pang sabihin nila

Hindi ko alam kung ilang information ang iyong dala-dala.
Basta ang alam ko lang walong taon yun na alaala.
Buti na lang may tinira kang isang mahalaga.
Swerte ko dahil kasama ko siya.

Nakakaloko kasi parang pelikula
Kinuha mong lahat sa akin
At isa lang talaga ang iyong tinira
Isang numero na sinulat sa lumang resibo na nakatago sa aking pitaka

Nga pala kung sakaling magkasama pa kayo ng nos ko.
Pakisabi hinahanap ko kayo.
Kaya kung kaya niyong umuwi.
Pakiusap lang...

umuwi na kayo..

PS.
Kung wala kayong pamasahe, mag-taxi na lang kayo.. (Sagot ko pwamis).
Jowk lang..

mabuhay!!!

"Rugby boy"

Miyerkules, Hunyo 15, 2011

"Rugby boy"





Hinuli lahat ng rugby boy, mukhang adik, pulubi, at taong grasa sa may edsa noong isang araw. Natanaw ko ito mula sa bus na aking sinasakyan kahapon. Simula cubao hanggang boni tulay ang hulihan. Sinasakay sila sa isang tricycle na walang bubungan at doon pinoposas sa hawakan ng trike. (Nakakahiya noh).

Kung ano ang dahilan kung bakit, ang totoo hindi ko alam. Para siguro magmukhang maayos ang paligid ng edsa. Kung iniisip mong natutuwa ako sa ginawa nila. Siyempre hindi. (Ikaw ba?).  Hindi sa ipinagtatanggol ko yung mga taong iyon. Pero anong kasiguruhan na hindi na sila babalik doon pagkatapos nilang hulihin. Lalo lang kasi nilang ipinadama sa mga taong ito na wala na silang silbi sa sosyalidad. Hindi ako kontra ng pagsasaayos ng edsa, kontra ako sa paraan ng paghuli at pagtrato sa mga  tao ito. (Ewan ko feeling ko may mali eh).

Kaya ng may madaanan akong taong grasa gusto ko siyang sabihan na umalis na at may nanghuhuli sa kanila.  Kaso hindi ko siya nasabihan pinigilan ako ng hiya ko sa mundo. (Nakakainis nga eh).  Bakit kasi kung sino ang biktima ng kahirapan at bunga ng kamalian sila pa ang dapat hulihin. Di ba dapat sila nga ang tinutulungan. Kung gusto naten ng kaayusan bakit hindi muna natin ayusin ang ating mga isipan. Para naman maliwanagan ang mga puso nating nabubulagan na ng makamundong kaligayahan.

“Sana lang lahat ng nahuli ay mayroong lugar na pwede na nilang tawaging tirahan. Lugar kung saan pwede silang ituring na bilang tao. At hindi titingnan na parang nakakalat na basura sa mundo”

Ang totoo kung mali ako sa pananaw ko rito…

Nakikiusap ako itama niyo ko…

Mabuhay!!!

"Hindi ko alam"

Sabado, Hunyo 11, 2011

"Hindi ko alam"


Kung anong iniisip niya, hindi ko alam.

Kung mahal ba niya ako, hindi ko alam.

Kung may mahal ba siyang iba, hindi ko alam.


Pero ang sarap niyang mahalin...




Kung alam niyo lang...


mabuhay!!!

"Nakabunot ka na ba ng puno?"

Huwebes, Hunyo 9, 2011

"Nakabunot ka na ba ng puno?"






Nakabunot ka na ba ng puno? Kung ikaw hindi pa, ako nakabunot na. Hindi ko din sigurado pero ikaw na lang ang humusga.

Pasado ala-siyete na ngmakarating ako sa aming silid aralan. Chemistry ang first subject ko, pero tuwing umaga nag-gagardening kami. Nasa garden na ang mga klasmyt ko, kaya dumiretso na ko sa taguan ko ng galon. (Kailangan yung taguan mo ikaw lang ang nakakaalam dahil nanakawin yung galon mo.) Kinuha ko ito at madaling ipinila sa poso para maigiban. Pasimple kong nilagay yung dala kong bag sa upuan ko habang nag-iikot si maam sungit.
Pagkatapos bumalik na ko sa poso. Nandoon na ang lahat ng mga lalaking tagadilig ng garden. Ang mga babae naman tagabunot ng damo o tagawalis ng tuyong dahon.
Panay ang kwentuhan ng mga klasmyt ko sa poso. Tamang tagapakinig lang ako. Hindi pa kasi gumagana ng matino ang aking utak. Tapos yung boses ko tuwing umaga garalgal pa. Hassle kung makikipagkwentuhan ako. Dinama ko na lang ang masakit kong likod, dahil sa tama ng sapatos ko sakin. (Binato kasi ako ng nanay ko kanina dahil ayaw kong bumangon ng umaga.)
Ilang galon na lang at ako na ang mag-iigib sa poso. Matindihan pa rin ang kwentuhan ng mga klasmyt ko. Yung isa bumabangka pa. Pangarap daw niyang maging pilot ng gundam, yung napapanood namin sa telebisyon. Bilib na bilib naman yung iba kong klasmyt sa kanya. Ako naman nasa mundo pa rin ng panaginip. (Ay ako na pala ang magbobomba.)

Mabilis kong pinuno ang galon at dumiretso na sa garden. Baka tanungin pa ko kung anong pangarap ko. Mahirap na. (Eh ang pangarap ko pa naman ay iligtas si Erica sa masama niyang kuya, sabay tugtog ng ost ng daimos.)

Binuhos ko agad ang tubig sa halamanan. Parang hindi naman ako nagenjoy sa pagdidilig ko. Ang tagal kong pinila saglit ko lang tinapon. Mag-iigib pa sana ako pero pansin ko basa na ang buong garden. Kaya pumuwesto na ko sa bunutan ng damo.
Tumpok-tumpok kaming mga estudyante sa garden. Nakaupo at abalang nagbubunot ng damo, ang iba naman ay nagwawalis.

Nakikipagusap na ko sa mga halaman ng lumapit si maam sa akin. (Si maam ay 38yrs old na yata at dalaga pa. Kaya siguro sobrang sungit. Nga pala for the record, hindi siya bisaya pero bisaya ang salita nila sa cotabato. Taga-mindanao siya pero hindi siya muslim, kahit tunog bombay na siya magsalita.)

“Bunutin mo nga yung puno”, wika ni maam.
Naka-mini skirt na pula pa si maam nung mga oras na iyon. (Aha may date kayo mamaya maam noh.) Naglalaro na yung imahinasyon ko kung sinong lalaki ang tatagal sa kasungitan ni maam ng narinig ko ang muli niyang sabi.
“Hoy mr. blank bunutin mo yung puno”, nabanggit niya pa ng malakas yung apelyido ko.
“San maam?” tanong ko.
“Yung punong kaimito maam”, pamimilosopo ko sabay ngiti.
“Hindi, hayun bunutin mo yung punong yun”.
“Saan maam? Iyong mga tuyong sanga na yun”.

Ang damin niyang tinuro, at ang dami ko ring hinawakan. (Nakakainis bakit kaya hindi ko matsambahan yung punong sinasabi niya).
Halos limang minuto na siyang nagtuturo ng puno at ako naman limang minuto na ring naguguluhan. Yung mga klasmyt ko, hindi rin alam kung anong puno yung sinasabi ni maam. Tahimik lang silang nagmamasid sa eksena namin. Siyempre nainis na si maam, at naubos na ang pasensya nito. Nagtaka nga ako kung bakit tumagal pa ng limang minuto. (May date nga siguro si maam mamaya).

“Hayaan sa tabi mo, kung ahas yan kanina ka pa tinuklaw ”, wika ni maam.
(Kung ahas yung pinapabunot mo, baka sinasabi mo palang nakatakbo na ko noh.)
Tahimik lang ako, hindi ko talaga mahanap ang punong sinasabi niya.
“Saang puno ba maam?”
“Hayaan sa tabi mo, diyan sa paa mo”.
Tiningnan ko yung paa ko. Wala namang puno doon.
“Wala naman maam”
“Kapag nilapitan kita diyan kukurutin kita talaga”
(Aba lokong to tinakot pa ko, wala nga akong makita eh.)
Pero bago pa ko maka-react lumapit na siya at kinurot nga ako sa tagiliran. Masakit pero tiniis ko na lang. Habang kinukurot niya ako, tinuro niya yung halamang may bulaklak na diniligan ko kanina. (Pangiti-ngiti lang ako)
“Ayan, di ba puno yan?”.

Nagtatanong ba siya sakin o sa mga klasmyt ko. Pero kung sakin malamang isa lang sagot ko. Siyempre hindi. Pero walang sumagot kay maam. Takot lang nila.
Kaya binunot ko yung punong sinasabi ni maam. Halos hanggang tuhod ko lang ang taas at may mga bulaklak pa. (Puno na pala ngayon to. Pesteng buhay yan.)

Pagtapos ng klase namin. Tawanan at kantiyaw ang inabot ko. Sabi pa ng mga tropa ko, “pare tutulungan ka sana naming magbunot ng puno kanina. Naka-ready na nga kami eh.” 
Napangiti lang ako.
“Minsan talaga may mga bagay mahirap maintindihan kahit pilit mong intindihin”.

Dahil nagtiyaga kang magbasa ng istorya ko, may isa pa akong ikukuwento sayo. Hindi to nakakatuwa kaya kung ayaw mo ng drama pwede ka ng huminto rito. Hindi naman sa drama pero sobrang corny kasi. Ayaw ko ding sanang isulat kaso nakakatuwa dahil muli kong naalala ngayon. Sayang naman baka makalimutan ko ulit. (Warning mahaba to).

Buwan ng disyembre noon, hindi ko alam kung teachers week o student council week. Pero basta ito yung time na yung mga taga-seksyon 1, eh nagtuturo sa kapwa nila estudyante kapalit ng mga titser sa loob ng isang linggo.

At kapag ganitong mga pagkakataon malamang wala ako sa eskwelahan. Wala yata akong na-attend na mga program, event at activity sa iskul.

Pero minsan mapaglaro at nakakaloko talaga ang tadhana. Hindi ko alam kung bakit pero, nung martes pumasok kami. Hindi kami makapagbakod dahil bantay daw lahat ng spot ng mga guard.

Ang totoo hindi ako tumatagal sa loob ng eskwelahan ng maghapon. (Baka magkasakit ako). Sa loob ng isang linggo isang beses ko lang nakukumpletong pasukan lahat ng subject ko. Ganun na ko mula first year hanggang magthird year. “Habit” ko na to, “addiction” na parang hinahanap na ng katawan ko.
Kaya yung mga subject ko sa hapon bihira ko lang pasukan. Dahil pagtapos ng breaktime umuuwi na ko. (Oo tama isa akong professional katingero “pk”). O tumatambay sa bahay ng klasmyt ko at doon nagpapalipas ng oras.
Kaya nakakainis isipin na nung martes na yun, walang mga titser ay naroon kami sa eskwelahan. At kailangan kong makinig sa kapwa ko estudyante. (Hay buhay nga naman).
Unang nagturo yung super talino sa English na estudyante. Grabe hindi ba marunong magtagalog tong tukmol na to. (Napagalaman ko na ito ang top 1 sa section 1. Ito ay ayon sa mapagkakatiwalaan kong sources). Ang dami pang tanong sa buhay. Sino namang sasagot sa kanya, eh dapat English yung sagot. (Yeah damn right. Epistaxis).

Tahimik kaming lahat sa klase. Ako tamang rocking chair mode habang nakatingin sa langit sa labas. (Mannerism ko na to pagnakaupo). Nang biglang may umagaw ng atensyon ko.
“You there, don’t rock your chair”, sabi ni tukmol
Sasagot sana ako sa kanya kaso naalala ko hindi pala ako marunong mag-english. (Ay wag na lang pala). Pero asta pa rin akong tatayo.
Ng biglang tumayo yung tropa ko sa likod. (Hanep niligtas ako).
Tapos biglang sinabi nito, “The sun is the center of the solar system. Our planet…” with matching hand explination pa.

Tawanan lahat ng nasa loob ng classroom. Sasagot pa sana si tukmol sa trip ng tropa ko kaso nagbell na. (Yan ang nangyayari kapag pumapasok kami).
Sa wakas nag-breaktime din. Kaso sa malas, “hot spot” pa rin lahat ng “over the bakod”. Ang dami na ngang nahuli kaya tiis na naman ulit.

Sumunod na nagturo ay si math specialist. Grabe mas magaling pa yata to sa titser ko sa math eh. Pero dedma siya sakin. (Kilala ko kasi tong si math specialist. Mag-kabatch kami sa elementary nun). Dedma din naman ako kay MS. (Okay lang at least hindi niya ginugulo yung rocking chair ko). In-short nagco-existed na lang kami sa iisang oras sa magkaibang mundo.

Sa lahat ng nagturo mula kanina feeling ko si MS lang ang pinakinggan ng klase. Ang dami niyang naturong “short cut” and “technics” pagdating sa “computation”. (Pugay kamay para kay MS. Ayon sa source ko, isa sa kalabang mortal ni tukmol si MS pagdating sa top 1).

Pagtapos magturo ni MS, gusto kong magbreaktime muna. (Feeling ko magkakasakit na ko, last two subjects na lang kasi). Kaya bumaba ako kasama ang isa kong tropa para magpalamig muna.
Siyempre pagbaba ko, naharang pa ko ng ibang tropa at kakulitan. Tumagal ang dapat na 5mins na break. (Okay lang student teacher lang naman yun).
Pero siyempre pagpasok ko sa klase nakaramdam na ko ng hindi magandang pakiramdam. (Siguro may napapagalitan na naman). Tumingin samin yung estudyanteng titser ng tropa ko. Diretso lang kami sa upuan namin.

Pag-upo namin tuloy ang sermon ng bagong titser. (Rocking chair mode ulit ako).  Akala ko may pinapagalitan siya, pero nalula ako ng malaman kong values education subject na pala. (Grabe may estudyante pa lang gustong magturo ng values).

Kaya itong si miss values panay ang kwento tungkol sa mabuting asal at pagdidisiplina. (Nakakaloko talaga). Kung kanina si tukmol hindi namin maintindihan kasi English, ngayon itong si miss values lalong hindi namin maintindihan. Kasi hindi namin nakaugalian yung mga sinasabi niya. (Asa pa tong may makikinig sa kanya).
Tuloy ang rocking chair ko tapos tingin sa langit. (Nahihilo na ko baka may lagnat na ko ah). Tulala na ko at lumilipad ang isipan ng may sumigaw sa akin.

“YOU STOP ROCKING YOUR CHAIR!!!”.

Sa gulat ko muntik na kong mahulog diretso sa likod. Buti nandoon ang tropa ko sa likod at sinalo ko. (Hanep niligtas na naman).
Nang makaahon ako tiningnan ko si miss values. (Tatakutin ko sana pero natigilan ako. Ayon kasi sa source ko sa likod si miss values daw ay isa din sa mortal na kalaban ni tukmol at MS sa pagka-top 1. Sila daw tatlo ang “big top three”).

Ngumiti ako sa kanya at umupo ng maayos. (Hindi mo na ako kailangang sigawan, nakakaintindi pa rin naman ako).
Sinubukan kung makinig sa kanya, at pinansin yung tropa ko sa harap. (Kunwari na naman itong nagsusulat pero malamang nag-dradrawing to). Sa haba ng kwento ni miss values kahit isa wala akong naintindihan. (Mas natuwa lang akong titigan yung kilay niyang natural na nakataas)
Sa wakas pagkatapos ng 45mins na pagtitiis natapos din ang values. (Haist di ako papasok bukas sigurado).

Kinabukasan ganun ulit. Hot spot lahat ng bakuran. Nakakulong na naman kami. (Badtrip naman, bakit kasi sa loob pa kami ng iskul nagkita-kita pwede naman sa labas. Haist “wrong mode” kung pwede lang magremate eh).

Nagpalipas na lang kami ng oras sa campus ng mga tropa ko. Ayaw naming pumasok kaya tambay kami sa may maliit na batibot sa ilalim ng puno. Mga nasa kinse kaming lahat na nagkukuwentuhan. Last two subjects na lang ng biglang umulan. Mahina lang. (Yung tipong pwede mo pang lakarin pauwi).
Panay pa rin ang kwentuhan namin, dedma lang ulan. Hanggang may nagsuggest na kung sinong unang umalis babatukan. Nagkasundo ang lahat at pumayag sa trip na yun. (Hinubad ko na ang polo ko at tinakip sa bag ko).

Biglang tumahimik ang kwentuhan, pinakikiramdaman namin ang ulan. Sakto naman noong tumahimik kami biglang lumakas. (Yung tipong dapat ka ng tumakbo at sumilong kung ika’y naglalakad).
Niyakap ko na ang bag ko, ang iba naman naghubad ng polo para itakip sa bag nila. Naghuhubad ang isa kong tropa ng matulak ng isa. Lumabas agad sa bilog si tanga. Magpapaliwanag pa sana siya pero inulan na siya ng batok. Kami naman ng tropa kong isa, takbo papunta sa room.

Wala kaming ibang mapuntahan kundi sa klase namin. Upo ako agad, tapat sa bentilador para magpatuyo. (Dedma namin si miss values na nagtuturo).
Nilakasan ni miss values ang boses niya para mapansin namin. Umayos na lang ako ng upo at kunwaring nakikinig.
Nakatitig ako sa kanya. (Grabe ganda pala ng lips ni MV ah). Tapos yung tropa ko sa harap drawing mode na naman. Sinilip ko si MV din ang dinudrawing ni ulol ah. Napapakamot pa ito, tapos nagsasalita mag-isa.

“Ang hirap ng kilay niya”, wika nito.
“Nakataas kasi”, sagot ko.
Oo naman siya. (Napangiti lang ako, baliw ka).

Pinagmamasdan namin si MV dahil dinudrawing nga ng tropa ko. Nang makita naming binastos ng klasmyt ko sa harapan habang nakatalikod ito. (Nilabas ng baliw kong klasmyt yung ari niya at tinutok sa likod ni MV habang nakatalikod, tapos nung humarap mabilis na tinago).

Nagtatawa yung iba kong klasmyt. (Pero badtrip kami ng tropa ko). Nagalit din si MV, parang nasense niya na nabastos siya o nahuli niya din talaga. Inulan ng pangaral yung matangkad kong klasmyt. Pangiti-ngiti lang ito. (Pangiti-ngiti rin ako).

Tumalikod ako sa isa kong tropa. Tumingin ito sa akin at tumango lang.

Noong uwian na nakita namin yung lalaki kong klasmyt na matangkad. (Hanggang balikat niya lang ako at yung tropa ko hanggang balikat ko lang din). Lumapit ang tropa ko sa grupo nila. (Apat na malalaking tao yung pinakamaliit kasing laki ko).

Naghiwahiwalay kaming apat para makagalaw ng maayos.  Kunwari inasar ng tropa ko yung lalaking matangkad na bastos. At nung nagsalita para gumanti ng biro sinuntok na rin ito agad. Hindi naman umalag yung mga kasama nito at umawat lang. (Buti na lang).

Pagkatapos noon umuwi na kami agad. (Mahirap na baka makita pa kami ng mga titser talaga).
Sumunod na araw hindi na ko pumasok. Last day na yata ng klase ng teachers week ako nakapasok.
Pinagmasdan lang ulit namin si MV habang dinudrawing ng tropa ko ng nakapasok kami. Nagsuggest pa ko sa kanya kung paano yung tamang korte ng kilay hanggang makuha nito.
Nang matapos yung drawing, maganda rin naman ang kinalabasan. Tamang kwentuhan sa labas habang naghihintay ng last subject ng dumaan si MV.

Wala siyang ibang madaanan kundi sa harapan ko lang. Malayo pa lang nakatingin na siya sakin. (Ramdam ko 
na parang naiilang siya). Pero nang magkatitigan kami dun na tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung ilang oras, minuto, panahon o siglo. Basta tumigil ang lahat ng nasa paligid ko. (Exxage).

Alam ko ilang segundo lang yun, pero yun na yata ang pinakamatagal na segundo sa buhay ko. (Nakarinig pa ko ng nahuhulog na agos ng tubig, at naamoy ko yung mabangong hangin ng dagat... ang weird)
Mula noon tuwing nagtatagpo ang landas namin nagtitigan kami ng matagal. (O baka imahinasyon ko lang yun).

Ayon sa source ko Jem ang pangalan niya. Lahat impormasyon tungkol sa kanya ay madali kong nalaman. (Sikat pala siya sa iskwela).

Pati kung anong paborito niyang meryenda. (Pineapple juice at pan cakes). Pati oras ng break nila at kung saan siya nakatambay. Saan classroom ko siya makikita sa kahit anong oras. Pati yung eksakto niyang dinadaanan sa campus kapag lilipat ng room. (Pati trajectory alam ko). Ang totoo pati lugar ng kanilang tahanan alam ko. Pero kahit minsan hindi ako naglakas ng loob na lumapit sa kanya.

Kahit anong buyo ng mga tropa ko na kausapin ko daw kahit minsan lang hindi ko pa rin ginawa.
Pero ang pinakapinanghihinayangan ko ay ang hindi siya maisayaw sa graduation ball. Nakuntento na lang ako na pakunan siya ng larawan, para souvenirs ko. (Kala mo ha).

Wala akong camera, kaya nanghiram pa ko ng camera sa tropa kong babae. Tapos kinumtsaba ko yung isa kong tropa na kunan siya. At sinabi ko sa tropa kong babae na pagmay pics niya akin yun ha. (Nakuha ko din yung larawan niya at hanggang ngayon nakatago sakin).

Inisip mo kung bakit hindi ako ang kumuha ng larawan. (Magaling pa naman akong photographer). Ang totoo dala ko na ang camera nang lumapit ako sa kanya. Pero parang ramdam niya agad yung presensya ko, kaya parang alam niyang kukunan ko siya ng palihim. (Super stolen shot of the life time sana yun).  Kaya nung aakto na kong kunan siya, tinuro ako ng bestfriend niya sa kanya. (Caught in the act ako). Tumingin lang ako saglit sa kanya sabay talikod. (Ang tanga ko)

Hindi ko inisip na torpe ako. (Pero mukha nga). Basta naisip ko lang nung third at fourth year ako na kapag niligawan ko siya. Baka masira ang buhay niya at madamay sa mga kalokohan ko. (Kahit na hindi pa rin ako siguradong sasagutin niya... ang weird).
May time pa na sinabihan ako ng tropa ko na,

“Pare yan ang crush mo”
“Oo”
“Bakit di mo ligawan? Bagay naman kayo ah”.
“Pwede namang hindi ah”, sagot ko.
“Gusto mo ako na lang manliligaw?”
“Sapakin kaya kita noh”
Tumahimik siya, at mula noon sumikat si MV sa lahat ng tropa kong tarantado. (Wala ng pwedeng mambastos kay MV).

Battle of the band nun at section 1 ang organizer. (Dapat kasama akong tutugtog sa banda naming pinagsamang section 7 at 2, kaso umatras ako).
 Hinahanap si MV ni cor commander, (Ewan ko kung bakit). Kaya ng makita siya ng tropa ko tinawag siya sa pangalan nito at sinabi na hinahanap nga siya. Siyempre nagulat siya, tawagin ka ba naman ng di mo kilala. (Kengkoy pa naman yung tropa ko).

Nasa kalagitnaan ng battle of band ng biglang mag-brownout, tumabi na kami agad sa gilid. Niyaya na ko ng tropa ko dun malapit sa mga section 1. (Umuulan na kasi ng ice tubig, at minsan bato). Tamang bantay kami, nagkakagulo na rin ang mga Military Police na estudyante. (Madame na kasing nasasaktan).

Tinamaan na rin yung tropa ko ng ice tubig, basa yung uniform niyang pang-c.a.t. (Nakauniform lang kaming 3, habang ang lahat ay nakapangporma na, hindi pa kasi kami umuuwi galing sa bilyaran). Pero kahit tinamaan hindi pa rin kami nakisali sa kaguluhan. (Ang misyon namin ay bantayan lang ang mga section 1, ay si MV lang pala). Buti na lang at hindi na kami nasaktan at nakauwi ng maayos. (Thank you Lord).

Dalawang taon ko rin siyang lihim na minahal sa malayo.  (Kung nagsipag lang sana akong mag-aral mula first year naging magkaklase sana kami ngayong fourth year).  Masaya na akong makita siyang nagsusumikap sa pag-aaral. Iba rin kasi ang misyon ko, pangarap kong makitang grumaduate ang mga tropang kong loko-loko. (Buti na lang nagtiyaga din sila at nakatapos din).

Nag-aral na rin ako ng konti. Kaya noong malapit na ang graduation, kanya kanya ng hanap ng eskwelahan.
Ako nakahanap na at naghihintay na lang ng enrollment. Nakapasa na kasi ako sa PUP sta.mesa. (Ang dami ngang nagtataka kung paano ako nakapasa. Ang di nila alam nagtataka din ako). Milagro yon kasi simula section 3 to 7 ako lang ang nakapasa. (Ang nagagawa talaga ng pag-ibig). Minsan talaga hindi mo rin pwedeng husgahan ang kapangyarihan ng tsamba. (Lols).

Ang huling alaala kong nakita si MV ay noong pirmahan ng clearance at pauwi na siya. Habol ko siya ng tingin sa gate. Alam ko sa sarili ko hindi ko na siya makikita kahit kailan. (Dati ko ng naisip na ang mga panahong ito ang mga pagsisihan ko habang buhay). Habang palapit ng palapit siya sa gate, palayo ng palayo ang pagkakataong makasama ko siya.

Habang tanaw ko si MV naalala ko lahat ng alaala niya sa isip ko.

Yung nilapitan ko siya kasi laban ng section 1 at section namin sa volleyball. Nagtsi-cheer siya sa team nila habang simpleng tumabi ako sa likod niya. (Grabe ang bango pala ng buhok niya). Naramdaman niya ang presensya ko at tumitig sakin. Sabi ko na lang anong score na. (Pero ako din ang sumagot sa tanong ko sabay alis). Tinitigan ko lang siya saglit ng malapitan at tumalikod na.

Noong makita ko siyang bumili ng chocolate sa subic dahil field trip namin. (Tumugtog na naman ang falls sa isipan ko at bumango ang buong paligid).  Nagkatitigan na naman kami.  One lifetime yata yung tagal noon, sayang hindi ko naorasan.

Noong kumukuha siya ng sukli sa tindera at hindi siya pinapansin dahil madaming tao. Kaya ang ginawa ko nilakasan ko ang boses ko para humingi ng sukli. Pero pagkakuha ko ng sukli binigay ko din sa kanya. Ngiti lang ako sabay alis din agad. (Baka malaman niya na kaya ako binigyan agad ng sukli kasi kami ang nagnanakaw ng mga juice na tinda doon. Saka nanghihingi kami talaga ng sukli kahit hindi pa kami nagbabayad at may deposito pang kasama).

Noong ma-postpone ang klase dahil sa bagyo. Nagaabang kami sa labas ng eskwelahan ng masasakyan. Si MV naman ay hininhintay yung bestfriend niyang bumili ng fishball at palamig. Tinitigan ko siya, tapos nung naglakad na siya nakita niya ako at parang na-concious pa yata. (Feeling ko lang yata yun). Kasi nung tumingin siya sa akin di niya napansin yung sign na “School Zone” at nauntog. (Sana nakapikit na lang ako ng mga oras na yun).

Sa tingin ko nasaktan siya at tinitiis niya lang. (Kinamot niya lang kunyari yung ulo niyang nauntog). Kung siya dama niya ang sakit sa ulo niya. Dama ko naman ang sakit niya sa puso ko. (Wagas). Kinabukasan wala na yung “School Zone” sign sa harap ng eskwelahan namin. (Ang ganti ng api. Exxage).

At tuwing flag ceremony alam ko agad kung saan siya nakapuwesto. (May radar na yata ako sa kanya). Kahit yata ihalo mo siya sa karamihan malalaman ko yung eksaktong lugar niya within five minutes. (Exxage na naman). Pero ang totoo hinahanap talaga naming magkakatropa kung nasaan siya. (Suportado nila ang kahibangan ko eh).

At marami pang mga alaalang bumalik sa isip ko. Lahat yun ay parang mumunting pelikula sa aking isipan. Ang sarap isipin na minsan hindi mo kailangan malaman ng iba na mahal ka din niya ang mahalaga nararamdaman mo. (Mahal niya rin kaya ako?). Pero pakiramdam ko kasi laging nag-uusap ang aming isipan sa lengguwahe kami lang dalawa ang nakakaalam. Minsan hindi rin nasusukat ang pag-ibig sa oras na inyong pinagsamahan. Kundi sa mga epektong dinulot nito ng mga oras na minamahal niyo ang isa’t isa. Iniisip mo siguro napakababaw ko. (Siguro nga). Wag kang mag-alaala iniisip ko din.

Nung oras na makalabas si MV sa gate ng aming eskwelahan. Binaon niya ang aking taos pusong pagmamahal bilang isang kabataang umibig sa paraang inakala niyang tama. (Wag mo kong husgahan, nagkataong lang sa ibang panig ako ng kahon nakatingin). Kasama ng pagmamahal kong iyon ay aking pag-asang magkikita kaming muli at mapatunayang mahal niya rin ako sa normal na paraan ng mundo.

Nga pala for the record si MV ay 5’2” ang taas, may kapayatan, maputi, tuwid ang buhok (Hanggang likod) na manipis na parang blond kapag nasisikatan ng araw. Madalas siyang may dalang libro (Math and Science), tapos ang bag niya ay yung adidas na blue na may malaking tatak sa likod. (Uso yun dati). Hindi mo siya mapapansin dahil lagi siyang nakayuko maglakad. (Minsan lang siya magtaas ng tingin). Nakaboots siya na black (Na-late yata siya sa uso), tapos yung pantali niya yung kulay ng tiger (Lagi siyang naka-pony tail). Nakataas lagi yung manipis niyang kilay, mapulang labi, kyut na ilong. (Basta simple lang siya, hirap i-describe. hehe).

Siyanga pala si MV rin ang editor-in-chief ng diyaryong “The Capitol” at ng “Ang Parola”. (Mas magaling siyang mag-english kay tukmol). Ito yung opisyal na diyaryo ng eskwelahan namin. Gusto kong sumali dito dati pero bawal ang mga taga-lower section na tulad ko.  (Ang totoo marami pang pribilehiyo ang bawal sa mga lower section, kaso ibang kwento na yun). Pero kahit siguro mag-try ako dun di rin ako papasa. (Panget kasi ako sumulat).

Kung itatanong mo kung nagkita pa kami pagtapos noon. Sa kasamaang palad hindi na. (Alam ko na iyon sa simula pa lang). Hindi na itinulot ni Jehovah na pagtagpuin kami. (Jehovah’s Witnesses pala si MV. Kaya siguro magaling siyang mangaral). Ayon sa mapagkakatiwalaan kong source (yung ulol kong tropa hanggang ngayon, na nangakong hahanapin si MV) may asawa na raw ito at nasa Israel at doon namumuhay ng maligaya.

Pahabol lang hindi pala kami nagusap kahit minsan. Pero alam niya kung sino ako. (Paano niya nalaman? Malay ko). Sinulat niya kasi ang pangalan ko sa year book namin. Sinama niya ako sa iilang estudyanteng nagtagumpay sa buhay na bumalik sa eskwelahan after ten years para sa reunion. (Nga pala ngayon na ang reunion namin). Pero hindi ako nagtagumpay ayon sa hula niya. (Tumama lang siya sa pangalan ko).

Wakas.

Salamat sa pagbabasa…

Ang nabanggit na pangalan ay hindi tunay na pangalan ni MV. (Naloko kita).
 Hindi lahat ay totoo. (Wag kang magpadala. Pangpalito lang).

Mabuhay!!!




















"Makabagong Kabataan"

Linggo, Hunyo 5, 2011

Makabagong Kabataan


Kaming mga makabagong kabataan
Karaniwan hubad sa katotohanan
Madalas kaming maghanap ng kasagutan
Sa marami naming mga katanungan

Karaniwan di niyo kamin pansin
Madalas galit kayo sa amin
Dahil ayaw niyo mang aminin
Alam niyong may nais kaming iparating

Kaming mga makabagong kabataan
Marami kaming nais ipaglaban
Kapayapaan para sa’ting mga kababayan
Kaginhawaan para sa salat sa kayamanan

Ano bang dapat naming gawin?
Upang dinggin niyo ang aming hinaing
Di lang naman ito sa amin
Kundi para sa inyo na rin

Isa lang naman ang nais naming ipabatid
Pakinggan niyo naman sana ang aming tinig
Ang nais namin ay pagbabago
Hindi ng kung anu-anong galing sa inyo
Kung ninais naming magkaganito
Sana naman hindi titulado

Kaming mga makabagong kabataan
Ay mayroong isang munting pangarap
Na pag kami ay nagkaanak
Nawa'y sana di tulad naming hubad

mabuhay!!!

para sa himig handog sa makabagong kabataan.
hehe..

“Tagahanga ng fan ni Yamapi”

“Ang tagahanga ng tagahanga ni Yamapi”

Dati ayaw ko ng mga gawa niya

Mga kwento, tula at sari-saring istorya

Hindi ko kasi gusto ang kanyang mga tema

Puno ng pag-ibig at kwentong pang-tropa

At madalas tungkol kay Yamapi na di ko kilala

Merong pa nga minsan may nasabi pa siya

Sana meron siyang laruan katulad kay Nobita

Na nanggaling kay Doraemon para makalipad siya

Hindi ko alam kung bakit nung una

Pero ng tumagal parang alam ko na

Gusto niya raw puntahan si Yamapi sa konsyerto niya

Hindi ko alam kung tao to si Yamapi o istorya

Pero naisip ko malamang guwapo to at isang artista

Naisip ko ganito lang siguro ang mga kabataan

Lagi tayong ng naghahanap ng ating hahangaan


Hanggang isang araw biglang nagbago siya

Dahil ang kanyang mga likha ay nagiging interesante na

Naisip ko tuloy mukhang  gumagaling na siya

(O baka matagal na siyang magaling talaga

At ako lang ang hindi marunong magpahalaga)

Dahil ang paggamit niya sa mga letra ay may kahulugan na

At meron pa siyang istorya kahit ako nadala

(Bakit kailangan patayin ni Lando ang mga kaibigan at mahal niya?)

Hindi ko na rin maintindihan ang mga gawa niya

Siguro nasa ibang pahina na siya ng istorya

At ako hanggan ngayon ay nasa panimula pa

Kaya pala ang madalas na bigkas niya

“If you follow me I promise I run slow “na

Ganun na ba kalayo ang pagitan naming dalawa?

At kailangan niya pang magbigay sakin ng partida

Pero ayaw ko na ring habulin siya

Baka sa sobrang layo niya maubos na ang aking paa

At sa pagod ko baka mawalan pa ko ng baga

Kaya kahit ganito masaya na kong tanaw tanawin siya

At pilit intindihin ang mga likha niya

Malayo man ang pagitan naming dalawa

Aabot din ang paghanga ko sa kanya

Tulad ng paghanga niya kay Yamapi sa ibang bansa

Na abot langit at ilalim ng lupa

mabuhay!!!

"Tula ng huwad na makata"

"Tula ng huwad na makata"


Malalim sa kababawan

At basang katotohanan

Pawang kasinungalingan

 At huwad  na kabutihan


Dinadakila  ang langit

Habang ngiti’y nasa lupa

Niyayakap ang pag-ibig

 Subalit malayo sa kapwa


Nagpapanggap na matuwid

At lasing sa maling gawa

Kaya’t ang kanyang nakamit

Ay mga tropeyong lata


Bulok na katalinuhan

Kanyang ipinamahagi

At wagas na kamangmangan

Ang sa kanya’y namutawi


Ako ang masamang kampon

At ito ang pekeng tula

Ako si "abuhing dahon"

Ako ang huwad makata

mabuhay!!!

simple^^

Sabado, Hunyo 4, 2011

simple^^

bukas papasok na naman
susubukan tapusin ang nasimulan
susubukan ipagpatuloy ang nakaraan
upang umabot sa katapusan

bawat hakbang ay bagong simula

bawat ngiti ay bagong pagasa
dulot ay simpleng ligaya
sa puso ng bawat isa,

di dapat matakot at mangamba

kahit kay maam mendoza
kahit mahirap ang exam niya
dapat magpatuloy ka^^

bukas papasok na naman

dot dot dot... lunes na naman
ayoko ko pang pumasok pero kailangan
haist.

kung bakit ayaw ko pa pumasok simple lang

may exam kasi bukas at wala pa akong alam^^
weak.

ang nabanggit n pangalan ay pawang kathang isip lamang.

ito ay di hango sa tunay na buhay^^
pwamis....


mabuhay!!!

hala^^

hala^^

umaga ng martes ngayon gigising ka
ang dating bukas ngayon na pala
ang gagawin mo noon pinanghihinayangan mo na
ang dating masaya ngayon malungkot na

kung dati sikat ka ngayon hindi na
ang lahat ng iyong tagahanga lahat sila busy na
ang dating patay na patay sayo namatay na talaga
naisip mo ngayon mahirap pala mag-isa

ang dating mayaman ngayon mahirap na
ang dati mong kaaway ngayon mayaman na
ang pera mo noon wala ng kwenta
ang utang mo ngayon lumalaki pa

ang klasmyt mong weirdo ngayon cool na
ang dating jologz nakapagasawa pa
si mr. reader may bookstore na
at yung dating maingay ngayon tahimik na

at ngayon susulat ka kunyari may alam ka
sabi mo pa " i can prove to the world" kala nila
ang di mo alam nakasulat na rin sila
lahat ng sinabi mong bago sa iba luma na

at umikot ang oras at ikaw ay natabunan na
ang problema mo noon dumadami na
kung dati simple interest lang ngayon compounded monthly na
saka mo lang na-realize perpetuity na pala

ang mahalaga nito nanalig ka
na bukas o makalawa paggising mo wala pa ring pinag-iba
walang wala, o wala talaga
wala ba tlaga? o sanay ka na?

habang binabasa mo to
isip mo'y gulong gulo
nagtatanong ka sino ba to?
ikaw ba o ako?

mabuhay!!!

"yosi conference(may 25)"

"yosi conference(may 25)"

martes ala-sais ng umaga
gumising akong ibang iba
mapait ang aking panlasa
dulot ng sinigarilyo ko kanina

umaga na ngunit ayaw ko pang bumangon
parang gusto ko lang matulog maghapon
parang gusto kong lumipas na lang ang panahon
at limutin ang alaala ng kahapon

subalit masakit man isipin ay naroon pa rin
ang alaala ng nakalipas ay bakas sa aking damdamin
tulad ng amoy ng sigarilyo sa aking kamay
na humahalimuyak ng walang tigil, walang humpay

ang totoo ayoko ng ganitong pakiramdam
na ang aking paghinga ay parang pinipigilan
pakiramdam na walang kasiguruhan
na parang nasa gitna ka ng kalsada at naghihintay masagasaan

at sumikat ang araw ngunit ako'y ganito pa rin
iniisip ang kuwentuhan ng kahapong sumasakal sa akin
mga kuwentuhang dulot ay kaligayahan na masarap alalahanin
subalit nagdudulot din ng pait sa aking damdamin

kaya ang tanong ano bang dapat kong gawin?
dapat din ba akong magpa-hadouken?
upang makuha lang ang kanyang atensyon at ako'y mapansin
pero ano o sino ba ang dapat kong piliin?

oo gusto ko ng masasayang alaala
tawanan, biruan at kuwentuhang kasama siya
at aminado akong takot din akong mag-isa
pero mas takot akong makita siyang hindi na masaya.


ang letrang ito ay ginawa ng akda para matupad ang kasunduan.
ito ay ang pamalit sa mga kulang na likha dapat niyang ipasa.
para rin to sa lahat ng mga ngyoyosi dahil sa problema.

mabuhay!!!!

minsan^^

minsan^^


minsan kahit may mahal ka ng ibang tao

meron pa ring hahaplos sa puso mo

kala natin ito yung pangpalito

pero ito pala yung bubuo sa ating pagkatao


minsan umiiyak din ako tulad ng iba

nasasaktan, nalulungkot at tumatawa

at kahit ganito ang nangyayari sa'kin dito sa mundo

masasabi kong masarap pala talagang maging tao


at sa itaas na laging sa aki'y nagmamasid

nais ko po sana sa Inyong ipabatid

na bukas, makalawa matatapos din ang buhay ko

pero masaya po ako na minsan nagkakilala tayo.


mabuhay!!!

"sa ilalim ng puno"


"sa ilalim ng puno"

 sa ilalim ng puno, sa langit ako'y nakatingin
tinatanaw ang ulap sa pagitan ng dahong sumasayaw sa hangin
at kapag ang liwanag ng araw ay tumagos sa makapal na ulap
muli kong maaalala ang pag-ibig mong walang katulad

sa ilalim ng puno, sa liwanag ng araw ako'y nasilaw at biglang napapikit
at unti-unting nabanaag ang pulang dugo na iyong pawis
na dinulot ng dusa at matinding pasakit
ng yakapin mo ako ng pag-ibig mong walang kawangis

sa ilalim ng puno, sa aking pagdilat mga munting bunga aking nasilayan
na iniingatan ng dahon at sadyang tinatago sa aking kamalayan
tulad din ng pag-ibig mong mapagkalinga't walang hanggan
na siya ring nagtatago at nagiingat sa aking kamusmusan. 



dahil sa rekoleksyon kailangan kong gumawa ng konting kabutihan
paumanhin wala lang akong maisip na ibang paraan.

mabuhay!!!

"Sa huling tinta ng bolpen"

"Sa huling tinta ng bolpen"



Para sa huling tinta ng bolpen



At sa mga nayukot na piraso ng papel



Para sa bawat letrang nabura



At pinatungan ng tinta



Para sa mga ideyang hindi napuna



At kinain lang ng alaala



Para sa lamesang nasulatan



Ng "obra maestra" ng kamusmusan



At sa ilalim ng upuan



Kung saan nakatago ang mayamang "bubble gum"



Para sa pisarang masarap titigan



Na nagpapakita ng imahinasyon at mga larawan



Kapag tahimik kang "nag-eexam"



At ang kaba ay dama sa kapaligiran



Para sa mga bintana na saksi



Sa ating masasayang tawanan



At madalas na "star witness" sa ating kopyahan



Para sa pintong tagapamapayapa



Kapag bumbagsak ng biglaan



Sa tuwing tayo ay nasa gitna ng madamdaming kaguluhan



Para sa mga basahang nagtatago



Ng ating dumi at pinanggalingan



At sa sahig na nag-aabang



Sa ating patutunguhan



Para sa bag na hindi natin kayang iwan



At sa sapatos na tropa natin sa lansangan



Para sa mga uniporme na lihim na nagmamahalan



Kapag nasa bag lang kapag nagpalit ka ng kasuutan



Para sa " i.d" mo na larawan ng iyong katauhan



At minsan pamato rin sa "teks" kapag napapalaban ng pustahan



Para sa mga walis tambo na gamit sa espa-espadahan



At sa mga bunot ginawa niyo pang sasakyan



Para sa basurahan na madalas kasali sa tagu-taguan



Na lagi ring "present" sa luto-lutuan



Para sa hagdanan na ginawa niyong padulasan



Kung saan nasukat ang iyong angking tapang



Para sa "½ cardboard paper" na pinagawa sa inyong "teks" dahil sa kaparusahan



Ng mahuli kayong nagsusugal sa loob ng silid aralan



Para sa baril mong bolpen



Na bala ay balat ng dalandan



Para sa palamig na sago’t gulaman



Na gamit mong panumpit sa mga kaibigan



Para sa mga alaala ng mga kaibigan



Na masarap balik-balikan



Salamat at nagkaroon tayo ng masasayang nakaraan







Para sa huling tinta ng bolpen

Kung saan tinago ang alaala natin.



Mabuhay!!!