-ondoy-

Miyerkules, Setyembre 21, 2011

-ondoy-

sa eskwelahan tahimik na nakaupo
naghihintay ng prof na magtuturo
nakikipagkwentuhan sa isang kaibigan
nang si miss seryosong malungkutin ay tumabi sa aking upuan

ngumiti siya
kaya ngumiti rin ako
tumawa ang puso ko sa tuwa
seryoso siyang binulatlat ang notebook ko

sa  isip ko anong ginagawa mo?
pero sino ako para awatin siya
nagulat na lang ako sa kanyang napuna
at mabilis ang pagtatanong niya
sinong author nitong mga nakasulat na pamagat
yan ang simpleng tanong niya
kaya ngumiti lang ako
at pinabayaan na siya
pero dahil seryoso na siya
kahit  yata isinilang akong pipi talaga
ay magagawa niya akong mapagsalita

kaya ang sabi ko ako
sabay ngiti
pero ang sabi niya
weh. hindi nga
tumawa pa na parang nangloloko
kaya ngumiti rin akong naloloko
gusto kong magpaliwanag
pero hinayaan ko na lang
makakalimutan mo din yan
kaya hindi mo na rin kailangan ng katibayan

pero humirit pa siya
nagulat na talaga ako sa kakulitan niya
pabasa ako
yan ang sabi niya.
sa isip ko patay na
panu niya mababasa ang hindi pa nasusulat
mga pamagat lang yung ng aking imahinasyon
paanu ko maipapabasa sa kanya yun

kaya ang mabilis kong banat
kailan ang iyong kaarawan
sana hindi bukas
agad niyang kinuha ang planner ko
sinulat ang araw ng kanyang kapanganakan
nilagay pa ang nais na regalo
draft ng isang kwento ng sinulat ko
ngumiti siya pagkatapos
ako naman ay parang kandilang nauupos
buti na lang ng mabasa ko ang kaarawan niya
medyo matagal pa
as in matagal pa.
yung pwedeng kalimutan na..

at lumipas ang taon
oras, panahon at pagkakataon
hindi ko na siya nakikita
parehas na kaming may trabaho
siya inhinyero na at writer pa
ako naman ang leader ng mga welder at tubero

minsan nagtagpo ang aming landas
tama ako.
limot niya na ang nakalipas
di na niya matandaan
ang mga letrang sinulat niya sa munting kong planner
ayos naisip ko
halos malapit ko na ring makalimutan
ang kwento ng pamagat na kanyang gusto
sa isip ko babawi na lang siguro muli ako
ibang pamagat na ang babasahin mo
ibang istorya na ang aking ikukuwento

hindi na siya fiction nagustuhan mo noon
hindi na rin kasi uso yun
pero susubukan ko pa ring isulat
bahala na silang lahat
ay mali.. ako lang pala
kung bakit ko dinamay sila
trip ko lang, may problema ba?

at malamang nagtataka ka.
bakit ondoy ang aking pamagat?
trip lang din, katulad ng lahat
na nagtri-trip lang kung bumanat
pero trip ko siya.. at yun ay walang katulad.

nga pala malapit na talagang kaarawan niya
kung anong gagawin ko bahala na
mahaba pa naman ang oras di ba?
mahaba pa nga ba?
hala ka hindi ko na alam
hayaan na wala rin naman yata siyang pakialam
siguro ang dapat ko lang pakialamanan
eh yung puso ko at ang natatangi nitong laman

mahal ko siya... pwede pakisabi naman..

hoy ondoy. bagyuhin mo siya ng pag-ibig ko!!!
pakisabi mahal ko siya at hindi ako nagloloko.


dahil ang kaarawan niya ay ang pagbagyo mo
pero wag mo ng uulitin yun dahil ikaw ng babagyuhin ko..

bow.

mabuhay!!!

Mr. Late

Martes, Setyembre 6, 2011

"Mr. Late"

2008 yata yun… Basta yun hindi ko na rin maalala.
 Oo 2008 nga yata.
Ako si mr. Late basta ako yun.
Kung bakit ako basta ako nga.
Kung gusto mong malaman ganito kasi yun
Gumising ako ng maaga
Oo maaga.
Bandang alas-otso y medya
Nag-vibrate kasi cellphone ko
Isang kaklase ang tumatawag sakin
So siyempre sinagot ko
“Mr. late nasaan ka na??”
Yun agad wika niya
Ang tanong ko
“Bakit may problema ba?”
“Anong bakit?”
Sagot niya.
Nalito ako at naguluhan
Wala naman akong nagawang kasalanan
Kaya’t ako’y nagtataka sa kanya
Isip ko'y gulong gulo na

At pagkatapos ng konting katahimikan
Bigla siyang nagpaliwanag
"Si titser seneo pumasok na
At malapit ng magsimula ang klase niya"
"We're dead"
Ang wika ko
"No. you're dead"
Ang wika niya
At kahit hindi pa naalimpungatan
Ako'y bumangon na sa aking higaan
Naghilamos at kape lang
Muntik ko pang makalimutang mag-toothbrush
Sinilip ang pitaka kung may laman
Takte wala pa pala kaming allowance
Binilang ang konting barya sa bulsa
Ah pwede pang makapasok sa iskwela
Pauwi na lang ang problema
Okay na yan bahala na

At ako't bumiyahe na agad
Binuhat ang sira-sirang bag
Sumakay sa dyip at mrt
Walang pakialam sa mga katabi
Apatnapung limang minuto na ang lumipas
Sa loob ng mrt di pa rin makalabas
Ito'y biglang tumigil sa gitna
 Badtrip nasiraan pa yata
 Pagkatapos ng ilang oras ng paglalakbay
 Sa wakas umabot din sa eskwelahan

Tahimik ang lahat sa aking pagdating
At si mr. seneo nasa harap pa rin
Pero wala na siyang sinasabi at tahimik lang na nakatingin
Tahimik akong pumasok sa silid-aralan
Tumabi sa aking mga kaibigan
At sakto pag-upo ko sa aking upuan
Ang bungad nila sa akin ay..

"Mr. Late meron tayong exam now".
Kaya ang sabi ko
"Master engeng papel"
Mabilis silang nagbigay agad
At ang instruksyon nila ay isulat ang nasa pisara



At dahil hindi ko nakikita
Mabilis akong lumapit sa pisara
Sinulat ang mga letrang nakasulat dun
Sa aking pagtataka hindi naman tanong yun
Paano naging eksamz yun
Napansin ako ni mr. seneo
"Anong ginagawa mo" wika nito
"Sir kinokopya ko"
"Eksamz to di po ba?"
"Anong eksamz" wika niya
"Sinong nagsabi sayo?" tuloy niya pa
"Kung sino man yun iho"..
"Mukhang naloko ka"

Pagkatapos ng mga kataga ni mr. seneo
Mga masasayang tawa ng klase ang narinig ko
Takte ka tootz niloko mo ko ang aking paghiyaw
Sa isip ko ayos lang 
At least umabot ako sa attendance
"Anong pangalan mo" tanong ni seneo
"aahhmm ma.. mr.late po sir" sagot ko.

Pagtapos nun tapos na pala ang klase
Labas na kaming lahat
Lumapit ako sa tropa kong nanloko sakin
Aawatin daw nila sana ako kanina
Nang makita nila akong pupunta sa harapan na
Kaso mukhang desidido daw akong kumopya.
Kaya ako'y hinayaan na lang din nila

So pagdating sa labasan 
Lahat ng aking kamag-aral
Ay nagngingitian
 "Iba raw ako" sabi ng aking mga kaibigan
Ang di nila alam sanay lang ako sa kahihiyan
Habang nagkwekwentuhan nagkayayaan kumain ng tanghalian
Kaya ang hirit ko pautang muna kaibigan
Mabilis naman silang nagpaunlak sa aking kahilingan
At ng dadaan na kami sa may hagdanan
Isang dalaga ang aking namasdan
Nakaupo sa may baitang
Kasama ng kanyang mga kaibigan
Nagtatanggal ng earphone sa tenga
Ngumiti ako sa tropa nila
Tumawa naman sila
At yung dalaga na miss. seryosong malungkutin sa aking pagkakakilala
Ngumiti sa aking at bigla pang tumawa
Marunong din pala siya nun sa isip ko
At ako'y bumaba na.

So ako nga si mr. late.
Mali pala
Ako si mr. super late..

Hindi ko po pinagyayabang
Ang nais ko lang...

Wag niyo kong tularan...


mabuhay!!!





"Ito"

Biyernes, Agosto 26, 2011

"Ito"

Hindi ko alam kung bakit?
Hindi ko alam kung ano?
May hinahanap ba ako?
Wala naman siguro
Nagtatanong ang isip ko
Humihiyaw para sa hustisya
Nagmamakaawa sa hinaharap
Wag mo akong iwan ng ganap

Tangan ko'y papel
Habang naghahanap ng lapis
Gusot man ang pananaw
Pag-ibig ko ay labis labis
Wika ko'y di marinig
At labis na di maintindihan
Mga butil ng alaala
Sa aki'y tuluyan ng lumisan
Saan mang ang tungo ko
Di ko na binigyan ng halaga
Ang nais ko lang naman
Ay mga mumunting saya

Lunod sa madilim na kahapon
Itong puso't katauhan
Hanginin man ngayon
Kaligayahan kay hirap matagpuan
Sa aking paglalakbay
Nais ko'y makinang na ngiti
Ariin ko man ito
Puso'y mananatiling sawi

At itong kasalukuyan
Ang tanging hawak ko
Mabago man ang mundo
Tuloy pa rin ako
Hindi na yata mababago
Itong kamalasan ko
Ako na yata ito
At ang ito ay ako


mabuhay!!!

Palaisipan.

Miyerkules, Agosto 24, 2011

palaisipan

Lagi kong sinasabi na ang buhay ay isang palaisipan.
Yung tipong mahirap sagutan.
Yung kala mo seryoso pero hindi pala.
Kala mo ang hirap pero nililito ka lang talaga.

Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko ito.
Ang totoo nanglilito lang din ako.
Wala din kinalaman tong sinasabi ko sa lathang to.

Dahil ang tanong kaya mo bang sagutan ang palaisipan ko?

Hard puzzle..
Focus and enjoy..

Scenario:

--May isang hunter sa isang malawak na gubat.
Meron siyang baril yung malaki at ang haba ay di masukat.
Binaril niya ang loro na may pinakamagandang pakpak.
Subalit siya'y sumablay at ito'y nakalipad.

At sa di inaasahang pagkakataon ang kawawang unggoy ay tinamaan.
Sapul ang unggoy sa katawan, nalaglag sa punong kinatatayuan.
Bagsak sa kalupaan at nagpagulong-gulong sa kabundukan
Hanggang umabot sa hantungan

Kung saan isang patibong ang naghihintay
Ang unggoy ay nahulog sa malalim na hukay
Kung saan nakatayo ang patusok na mga kawayan
At doon tusok tusok ang kanyang katawan..

Patay..

Ang tanong,,
--Ano ang ikinamatay ng unggoy??

Round 2.

Scenario:

Si juan ay galing klinika
Siya'y nagpa-check dahil di maganda ang pakiramdam niya.
At nang makauwi ito'y nakangiti
Ang saya niya na parang pag-aari niya lang ang tawa

Kaya ang tanong ng kanyang mga kaibigan
Bakit sagad ang iyong kaligayahan?
Ngumiti lang si juan at nagbigkas ng dahilan.
Cancer daw sa utak ang kanyang karamdaman

Lahat ng nakarinig ay nalungkot sa kanyang pagkasabi
Subalit ang pobreng si Juan matamis pa din ang ngiti.
Totoo ang kanyang karamdaman at walang halong kalokohan
Pero bakit itong si Juan tunay na tunay ang kaligayahan?

--Ang tanong.. Bakit ang saya pa rin ni Juan pagkatapos niyang malamang may Brain Cancer siya?

Last.

Scenario:

May dalawang dalagang magkapatid
Kanilang ina'y mahina na
Ito'y nakaratay sa karamdaman
At mga oras ay nalalabi na

Kaya't pagkatapos ng isang linggo
Kanilang ina'y yumao na
Ito'y kanilang ibinurol
Upang ipagdalamhati din ng iba

Sa burol ay madaming dumadalaw
Mga kaibigan at kakilala
Subalit may isang lalaki ang laging pumupunta
Na nagustuhan agad ng bunsong dalaga

Ang lalaking ito ay bago sa lugar nila
Walang nakakaalam ng pinanggalingan niya
Hindi rin nila alam kung bakit ito pumupunta
Ang alam nila nakikipagsugal lang ito sa iba

Pagkatapos ng burol ang ina ng mga dalaga ay inilibing na
Lumipas ang ilang araw na pangungulila
Hanggang pagtapos ng isang linggo pumutok ang balita
Patay na din daw ang panganay na dalaga

Pinatay ito ng walang kalaban-laban
Subalit ang dahilan ay walang nakakaalam
Lahat ay maaring pagbintangan
Dahil ang pumatay ay maari ring ikaw.. (Exxage)
 
--Tanong:
1. Sino ang pumatay sa panganay na dalaga?
2. Ano ang dahilan niya?

Sabi nila pagnasagot mo daw to ng walang kahirap-hirap..
Maari ka rin daw maging....


Psychopath!!!
mabuhay!!!

"Eksamz"

Sabado, Hulyo 23, 2011

Eksamz

Rewind tayo ng konti..
Let me put you back to day when I was in hayskul again.
*(wala tong kinalaman kay MV..na-get over ko na siya) hehe..

Second year hayskul..
Third grading period exam.

Alam natin ang pakiramdam pag-exam.
Tahimik at seryoso lahat ng estudyante.
Parang bawal nga ang magbiro at magpatawa.
Kasi bawal ang maingay kapag nag-mememorize.

Pero kahit anong gawin meron pa ring makukulit na hindi dapat kalimutan..
Sila yung mga tipong nagpapa-relax ng isipan.
O pwede ring sabihing nagpapalimot sa ating mga pinag-aralan..


Anong kinalaman ng mga sinabi ko kanina..
Wala siyempre.. Pangpahaba lang yun noh..

hehe..

Sa eskwelahan namin two days ang eksam..
* thursday and friday
Whole day ito..
Depressing at nakakaloko..

Sa katulad kong ayaw mag-stay sa eskwelahan.
Kailangan kong matapos ang exam sa loob ng kalahating araw.
Para pagnakatapos pwede ng magliwaliw at hanapin ang nakatagong kwento sa araw na iyon..

Maraming paraan para makatapos agad ng exam..
Dahil A,B,C,D ang choices napakadali lang nitong hulaan..
20mins lang yung.. 5mins per test paper..

Karaniwan na 50 items ang question and 4 choices of answer.
So kung huhulaan mo lang, may 25% kang possibility na makatama ka bawat question..
 .25 multiply by 50.. 12.5pts.
Ipagpalagay mo ng 10pts para sureness..
At least di ka bokya..
Kung iisipin mo na meron ka ng 10pts na sure points..
Hula pa lang yun..
At 25pts lang ang passing..
15pts na lang pasado ka na...

Siguro naman out of 50 question meron kang natandaan kahit mga limang sagot na alam mong tama..
Browse  ka lang ng konti sa questionnaire..
Pagtapos sumagot ka ng akala mong tama..
Saka mo na gawin ang secret technique..

A=Aywan ko
B=Bahala na
C=Mag-CC ka sa ginawa mo
D=Dapat lang

Just follow this format base sa inyong nararamdaman..
Sigurado ako..
Papalo ng 10pts na kulang yan..
Presto 25pts ka...
Pasado na..

Biro lang..
Mag-aral ka para pumasa noh.
Ginagawa ko lang yan kasi gusto kong makauwi na agad..
hehe..

Nakakaloko  ba ang style ko..
Pero merong pa akong kilalang may mas nakakalokong style..


Jeffrey's way of answering..

Ganito ang sa kanya..


Step 1: Kumuha ng walong papel na pinilas sa rectangle

Step 2: Isulat ang mga letters na A,B,C,D. ng Tig-dadalawa.
            * 2 each dapat para madami at pwede kang umulit ng dalawang beses..

Step 3: Irolyo ang mga papel at gawing parang maliliit na palabunutan..

Step 4: Ilagay sa bulsa ng polo o kaya pencil case.. baso ng palamig o softdrinks.

Step 5: Bumunot ng isa..Tingnan ang letrang nabunot at isulat ang sagot sa Testpapers..
            *wag kalimutang alugin at isoli ang nabunot pagkatapos maisulat ang sagot.
             Gawin ng paulit-ulit hanggang matapos..

Base sa aking karanasan at pagkakita kung paano ito ginagawa..
Labinglimang minuto lang ang iyong kailangan hanggang 30mins..
Tapos lahat ang iyong 4 exam...


Kung itatanong niyo kung nakatapos ng pag-aaral si Jeffrey..
Oo naman..

Kung nakapasa ba siya sa eksamz..
Siyempre hindi..

Pero natuto ako sa kanya..


Mali ang kumopya..
At mahirap manghula..

Lahat ng bagay ay may paraan..
Wala pang tanong na hindi nasasagutan..
Kung hindi mo susubukang paghirapan..

Wala kang mapapatunayan..


mabuhay!!!

“Hello Kamatayan”

Lunes, Hulyo 18, 2011


“Hello Kamatayan”

Fastforward muna sa kwento ko.. Saka na iyong tungkol sa dilim..
Dito muna tayo sa ibang experience.. Ewan kong maganda..
Pakibasa na lang.


Alas-kwatro na ng hapon at maaga naming natapos ang aming mga trabaho sa araw na  iyon. (Binuhusan ang mga poste ng street lamps, naghukay ng lupa at binuo ang mga bakod sa bangin). Kaya napagkasunduan naming maligo sa may bukal. (Ang bukal ay nasa kabilang bundok kung saan dun nanggagaling ang supply namin ng tubig).

Kaya kung tutuusin hindi na matinong gawain ang pumunta sa bukal. Wala kasi siyang trail, at kayo na ang bahala kung paano kayo pupunta dun. Kaya sinundan na lang namin yung hose na nakalatag sa bundok galing sa supply namin ng tubig. (Di ba ang talino namin).
Ang totoo bago ka makarating sa bukal kailangan mo munang lagpasan ang mga pagsubok. (Konti lang to, wag kang magalala).

Unang pagsubok kailangan mo munang mag-rapelling ng walang harness sa taas ng 30-50ft. (Di ba ang dali lang). Nagawa ko na naman yung ganung rapelling, ng mahigit 5 times. (Awa ng Diyos, humihinga pa). Kaso kahit sabihing mong expert ka sa lahat ng bagay, hindi mo maalis ang kaba sa iyong dibdib. (Exciting noh).

Nakababa na ang 3 kong mga kasama at nauna na silang naglalakad. Hinihintay ako ng isa kong kaibigan sa ibaba dahil ako ng susunod. Lumambitin na ako at dahang-dahan nagrapell. Simple lang ang style ko. Hawak sa lubid, lagay ng tension sa likod ng katawan na parang nakahiga. Tapos lakad lang ng nakalikod, tingnan ang tatapakan at hindi yung lalaglagan. Lagi ring tatandaan na sa langit lagi ang tingin at wag sa lupa. (Para kung sakaling malaglag alam mo na kung saan ka pupunta).

Sweet sailing na sana ako. (Chicken feed).  Nang biglang  inatake ng kakulitan o ng impakto si Egay. (Napraning na lang siya bigla).
Ang ginawa ni Egay lumambitin din sa tali at nagrapell din pababa. Gusto niyang sumabay sa akin. (Wow. Syota. Ang gusto ko mahal sanay laging sabay tayo).

Ang galing saktong  wala pa ko sa gitna at sa may kurbang bato pa.(Kapag dinalaw ka nga naman ni kamatayan oh.. Hello.).

Nararamdaman ko na ang bigat niya sa lubid, dama ko na rin ang takot ko. (Tumingin ako sa langit at parang may bukas na bahagi na sa gitna at may lumalabas na liwanag. Exxage).

Nang sinubukang humakbang ni Egay, hindi muna ako gumalaw. Umuga-uga yung tali. Natakot ako at sumigaw ng, “Egay! wag Egay!”.

Pero tuloy parin si Egay sa paghakbang. Para na kong dinuduyan ng mga sandaling yun. (Kaya ang lakas na ng sigaw ko). “Egay wag…. Nakatatlong sigaw pa ko ng biglang umiikot ako ng 920 degrees sa tali. Ang lakas ng hiyaw ko habang umiikot ng “Egay wag!!! Aaaaaahhhhhhhh. Tang-ina mo Egay”. Sabay ngiti ako ng matapos.

Akala ko katapusan ko na talaga..
Haist..
Tinanggap ko na nga rin nung mga oras na umiikot ako.
Kaso mukhang malakas ang kapit ko eh..
Hindi sa taas ha.. Baka mag-selos ka.
Malakas lang talaga ang kapit ko sa lubid..

Nasundan pa ang pagkikita namin ni kamatayan noong araw na yun..
Kaso pwede next time naman..

Nga pala for the record mag-tri-three weeks na kami rito sa bundok. (Nakakita na nga ako ng tunay na NPA. Sshh secret lang natin to ah). Anim kaming mga nagvolunteer para ayusin ang campsite. (Anim lang talaga kaming tao dun sa bundok). At kahit magsigawan kami araw-araw, eh okay lang. Wala namang makakarinig samin. 

Kaya buong araw kong pinagmumura sa egay makabawi lang..
hehe..


Hangga't sa susunod ulit..

mabuhay!!!




"buwan"

Sabado, Hulyo 16, 2011

"Buwan"


Hawak kamay sa ilalim ng buwan

Habang naglalakad sa dalampasigan

Dalawang pusong nagmamahalan

Ang aking nasaksihan


Tangan ay tungkod tungong hantungan

Binabagtas ang masukal na daan

At kahit parehong luhaan

Kanilang mga ngiti ay iyong mababanaagan


mabuhay!!!

"Kwento"

Biyernes, Hulyo 15, 2011

"Kwento"

Hindi natatapos ang buhay sa paraang gusto natin.

Hindi ito parang bola na kapag iyong drinibble pababa ay kusang tatalbog pataas.

At kapag drinibble mo ng malakas ay mas mataas ang talbog.

Hindi rin ito isang laro at sugal na lagi nating tinatayaan at ipinaglalabang manalo.

Kung tutuusin nga sa buhay nating ito mas madalas ang matalo.

At yung mga nagtatagumpay ay yung hindi laging nanalo 
bagkus sila ang mas maraming naipatalo na 
kaya mas alam na nila kung kailan sila mananalo sa susunod na pagkakataon.

 Minsan nakakaisip tayo, bakit kailangan pa nating lumaban?

Tumaya at sumugal?

Bakit nga ba?

Anong malalim na dahilan ang nagpupumilit sa ating ipagpatuloy ang laban?

Naisip mo na ba?

Hindi pa?

Wag kang mag-alala ako rin.

Pareho tayong nanghuhula sa nakakalitong buhay na ito.

Nung sinabing kong pareho tayo gusto kong maramdaman mo na kampi tayo.

Oo ikaw.

Ikaw at ako.

Kampi tayo.

Gusto kong ipagsigawan na lahat tayo ay magkakampi.

Sana lang.

Sana talaga.

Nga pala alam mo ba na ang buhay ay binubuo ng iba’t-ibang kabiguan, kasiyahan, at kalituhan.

Kalituhang kung anong buhay ang iyong gustong makamit.

Hindi ka ba nalilito?

Buti ka pa.

Ang totoo hindi talaga ako magaling sa lituhan.

Kaya palpak din ang aking buhay.

Malilituhin kasi ako.

Kaya aking napatunayan na sa ganitong hamon ng buhay.

Talo ang malito.

Kaya kung lituhan ang basehan ng lahat ng bagay.

Litong-lito na ko.

Pero sa di inaasahang pagkakataon isang tao ang nagtanggal ng aking kalituhan.

Salamat sa kanya.

Alam ko na ang aking patutunguhan.

Ako nga pala si…

At ito ang aking kwento.

Takot ako sa dilim nung bata.
Ikaw ba?
Hindi.
Buti ka pa kung ganun.
Ayoko sa dilim kasi maraming kababalaghan naiisip ang aking isipan.
Siyempre nakakatakot.

Hanggang dito na lang muna.
Medyo natatakot na ko eh.
Takot lang.

mabuhay!!!

"Lahat naman pwede eh"

Huwebes, Hulyo 7, 2011

"Lahat naman pwede eh"

Linggo na naman..
Dapat magkikita kami mamaya, pero hassle kasi sinama siya ng tiyahin niya.
*(Kung saan? Hindi ko na rin inalam..)

Dahil biglaang postpone..
Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko..
Kaya pumunta pa rin ako sa dating tagpuan.
*(Sa tirahan ng mga manunulat)

Umupo ako sa dating naming inupuan.
Naghintay..
Nagabang..
Nag-isip.. Naghihintay ng bagong trip..
Inalala ang mga larawang nakunan ng tadhana noong kami'y parehong nakaupo sa lugar na ito..
Napangiti..
Nalungkot..
Napatingin sa mga taong patuloy ang habol sa buhay habang tahimik na dumadaan..
Napabuntonghininga.. *(May lamang takot at kaba)
Itutuloy ko ba to o hindi na?
Sige bahala na..
Kapag wala ka ng no-choice lahat ng kakulitan pwede..

Bumili ako ng ballpen.. *(Yung tig-21php)
Kumain ng burger at cokefloat..
Nagpractice magsulat..
Nag-isip ng sasabihin..
Nang mga korning nilalaman..
Ng aking saloobin..

Pumuwesto ulit sa dating upuan..
Kinumpleto ang mga letra..
Pinagsamasama sa iisang papel..
Paulit-ulit na binasa..
Nagdarasal na walang nakalimutang ideya..

Bumili ako ng card..
Humanap ako ng bagay sa aking munting likha.
Likha o katha man ang aking gawa..
Hindi ko masabi.. Medyo lulong na ko sa trip kong ito..

Humanap ng tamang lugar na pagsusulatan..
Final touch..
Dapat kahit hindi perfect..
Basta presentable..
Malas wala akong mahanap..
Kailangan kong mapag-isa..
Yung may upuan at lamesa..
Ilang minuto na..
Wala pa ring makita..
Haist malas talaga..

Naiihi na ko sa kaba..
CR mode muna..
Pagpasok ko sa kubeta..
Presto.. Upuan at lamesa.
Mag-isa ka pa..
Ang lakas talaga ng aking tsamba...

So start na..
Hala sige sulat..
kahit pangit basta readable..
Badtrip na bolpen to..
Ayaw pang makisama..
Ayaw tumulo ng tinta..
Awts..

Tuloy pa rin..
Kahit dalawang patong ang pasada..
Kumulay at mabuo lang ang letra..
Labing limang minuto na ko sa kubeta..
Kinalampag na ko ng janitor..
Nakakaloko..
Nakakainis..
Gusto kong maheart attack..
Pero ayaw, kaya tiniis ko na lang ang kaba..

Sa wakas natapos din..
Whoooh.. Sigaw sabay labas...
Success..
Ngiti ang janitor..
Ngiti din ako..
Sa isip ko..
Hindi ako tumae loko..
I just made my best shits ever..
Kuha mo..

Balik ako sa tagpuan..
Hinanap ang dating libro ni madam prosecutor..
Ito lang ang librong tanda niya na hindi pupuntahan ng tao..
Sigurado ako sa kapal ng librong ito safe ang epistle ko rito..
Tumingin sa cashier sa gilid..
Timing lang na hindi siya tumingin..
Inangat ang book..
Sabay singit sa ilalim...
Patong ulit doon sa shelves..
Hayy.. Finish..

Finish or not finish pass your letter..

Dinukot ko ang mahal kong phone..
Sabay text...
Location..
Description..
Hindi lang kasama ang intention..
Pero malamang alam niya din yun..

Sabay talikod..
Hingang malalim..
Dasal konti..
Pakiusap mga dakilang manunulat..
Ipaabot niyo ang aking munting sulat..

mabuhay!!!

"Mga Dapat Tandaan"

Lunes, Hulyo 4, 2011

"Mga Dapat Tandaan Kapag Umibig ng Writer"

Kapag nag-txt ka wag kang umasang magrereply siya. Pwede kasing lowbat siya, tulog, busy sobra at maraming ginagawa. Wag na nating isama ang out of signal. (Wag magmiscol baka malowbat siya, tiwala lang).
   
Hindi mo rin siya pwedeng tawagan dahil maiinis siya. Magiging dahilan lang yun ng pagka-lowbat niya.
   
Wag magpadala sa mga double meaning niyang istorya. (Masasaktan ka lang).
   
Kapag magkasama kayo, siguraduhing mong natatandaan mo lahat ng sinabi mo. Dahil sa susunod niyong magkita matatandaan niya yun. (Bawal ang paulit-ulit na kwento).
    
Kapag magkukuwento ng istorya wag paasahin kung jowk o seryoso ang kwento. Hindi siya matatawa kung masyadong mahaba, at hindi niya seseryosohin kung masyadong maikli. (Ihiwalay ang puti sa de-color).
   
Kapag nagyaya siya ng lakad, piliting mong sumama. Kahit saan pa yan.  Kahit sa dulo ng mundo. Dahil sigurado ako makakahanap siya ng kasama. (Manghihinayang ka lang pag di ka sumama).
    
Marami siyang biglaang lakad. Wag kang magtaka isinilang siyang may dala dalang bag sa bulsa. Kaya matulog ka lang muna. Uuwi din yun pag pagod na. Wag mag-alala magkwento naman siya kung saan siya pumunta. (At dahil nakatulog ka na hindi ka lugi sa puyatan)
    
Kapag hinihintay mo siya umasa kang maghintay ng isang oras sa una. Tapos tatlong oras sa susunod. Pero pag sinabi niyang darating siya, dapat maghintay ka. Sayang yung siomai na pangbawi niya. Matuto kang kumain ng siomai “paborito niya yun”. (Alamin mo lahat ng kanyang paborito).
   
Hindi siya palakwento, kaya dapat magbaon ka ng isang sakong kwento. Kahit anong kwento, makikinig siya. (Basta tanda mo lahat yun, Bawal ang paulit-ulit).
    
Wag kang lalayo. Dahil kailangan naroon ka sa oras ng kalungkutan niya. At kung sakaling lumalayo na siya subukang mong unahan. Dahil kung maghihintay ka ring lang naman mas mabuti ng nandoon ka sa unahan, kesa nandoon ka kung saan ka niya iniwan. Para ikaw ang mag-aahon sa kanya kapag gusto na niyang isuko ang laban. (Katulad ng pag-ahon niya sayo nung ikaw ay nasa matinding kabiguan).


Mabuhay!!!

sagot sa komento..

Sabado, Hulyo 2, 2011

sagot sa komento..


ang musika ay laging nasa ating isipan.. 

ito ang naririnig ng ating kamalayan...

ang bawat tibok ng puso ay parte ng uyayi ng ina sa musmos na sanggol sa kanyang pagtulog..

lahat ng ating narinig ay mananatili sa ngiti ng ating pagidlip.. 

kumustahin natin ang ating mga alaala, 

at huwag nating kalimutan ang nakaraan.. =)

mabuhay...

...

Biyernes, Hunyo 24, 2011

...

Sa ikli ng aming pinagsamahan hindi ko na siya makalimutan.
Nakakainis kasi minahal ko siya sa paraang hindi ko inaasahan.
Kung gaano ko na siya kamahal? Hindi ko na alam. (Hindi  naman nasusukat ang mga Abstract)


Ang totoo lagi kong pinagdarasal na sana, mahal niya rin ako.
Na sana kami na lang, upang magkahawak kamay kami habang binabagtas ang buhay.
Ako ang kanyang anghel, at siya naman ang aking diyosa. (Ang saya parang telenobela)

Pero mukhang kahit sa pangarap hindi na mangyayari yun.
Tinugis at pinatay niya na ako sa kanyang isipan. (Parang lamok.)
Sayang hindi ko nagawang sabihin ang aking tunay na nararamdaman. (Mahal kita kung alam mo lang sana!!!)


mabuhay!!!

"Para sa Aking Mahal"

Lunes, Hunyo 20, 2011

"Para sa Aking Mahal"

Dear CP;



Saan ka man naroon nawa'y nasa mabuti ka.
Gusto ko lang ipabatid sayo na binalikan kita.
Kaso wala ka na sa inupuan kong bus kanina.
Bakit kasi naisip mong tumalon sa aking bulsa?


Nasa iyo pa naman ang contact ng boss ko.
Tumatawag pa nga siya kanina di ba?
Bakit kasi hindi mo ko pinilit sagutin siya.
Kung alam ko lang gusto mong "magday-off" di sana sinamahan kita.

Paano na ngayon wala ka na?
Sasabihin ko na lang siguro na tumakas ka.
Dyahe lang sa klasmyt ko na nakita ko kanina.
Nag-iwan pa siya ng nos. tatangayin mo lang pala.

Okay lang sana kung ikaw lang.
Pero bakit sinama mong chaperon yung nos kong smart.
Kung gusto niyong mag-date..,kaya ko naman kayong i-set  up
Sana sinabi mo.., Alam mo namang "she was next to my heart".

Ang totoo hanggang ngayon iniisip pa rin kita.
Wala na kasi akong "phone a friend" pag may problema.
Hindi ka na kasi iba sa akin.
Kung sa iba "gadget" ka, sa akin kaibigang sandata ka.

Ikaw ang "taga-compute".
Taga-ilaw.
"Taga-save" ng mga ideya.
Pero sayang hindi mo kayang "mag-save" ng alaala.
Wala ka kasing "camera".
Pero okay lang, para sakin "the best" ka.
"Your the most" pa rin kahit ano pang sabihin nila

Hindi ko alam kung ilang information ang iyong dala-dala.
Basta ang alam ko lang walong taon yun na alaala.
Buti na lang may tinira kang isang mahalaga.
Swerte ko dahil kasama ko siya.

Nakakaloko kasi parang pelikula
Kinuha mong lahat sa akin
At isa lang talaga ang iyong tinira
Isang numero na sinulat sa lumang resibo na nakatago sa aking pitaka

Nga pala kung sakaling magkasama pa kayo ng nos ko.
Pakisabi hinahanap ko kayo.
Kaya kung kaya niyong umuwi.
Pakiusap lang...

umuwi na kayo..

PS.
Kung wala kayong pamasahe, mag-taxi na lang kayo.. (Sagot ko pwamis).
Jowk lang..

mabuhay!!!

"Rugby boy"

Miyerkules, Hunyo 15, 2011

"Rugby boy"





Hinuli lahat ng rugby boy, mukhang adik, pulubi, at taong grasa sa may edsa noong isang araw. Natanaw ko ito mula sa bus na aking sinasakyan kahapon. Simula cubao hanggang boni tulay ang hulihan. Sinasakay sila sa isang tricycle na walang bubungan at doon pinoposas sa hawakan ng trike. (Nakakahiya noh).

Kung ano ang dahilan kung bakit, ang totoo hindi ko alam. Para siguro magmukhang maayos ang paligid ng edsa. Kung iniisip mong natutuwa ako sa ginawa nila. Siyempre hindi. (Ikaw ba?).  Hindi sa ipinagtatanggol ko yung mga taong iyon. Pero anong kasiguruhan na hindi na sila babalik doon pagkatapos nilang hulihin. Lalo lang kasi nilang ipinadama sa mga taong ito na wala na silang silbi sa sosyalidad. Hindi ako kontra ng pagsasaayos ng edsa, kontra ako sa paraan ng paghuli at pagtrato sa mga  tao ito. (Ewan ko feeling ko may mali eh).

Kaya ng may madaanan akong taong grasa gusto ko siyang sabihan na umalis na at may nanghuhuli sa kanila.  Kaso hindi ko siya nasabihan pinigilan ako ng hiya ko sa mundo. (Nakakainis nga eh).  Bakit kasi kung sino ang biktima ng kahirapan at bunga ng kamalian sila pa ang dapat hulihin. Di ba dapat sila nga ang tinutulungan. Kung gusto naten ng kaayusan bakit hindi muna natin ayusin ang ating mga isipan. Para naman maliwanagan ang mga puso nating nabubulagan na ng makamundong kaligayahan.

“Sana lang lahat ng nahuli ay mayroong lugar na pwede na nilang tawaging tirahan. Lugar kung saan pwede silang ituring na bilang tao. At hindi titingnan na parang nakakalat na basura sa mundo”

Ang totoo kung mali ako sa pananaw ko rito…

Nakikiusap ako itama niyo ko…

Mabuhay!!!

"Hindi ko alam"

Sabado, Hunyo 11, 2011

"Hindi ko alam"


Kung anong iniisip niya, hindi ko alam.

Kung mahal ba niya ako, hindi ko alam.

Kung may mahal ba siyang iba, hindi ko alam.


Pero ang sarap niyang mahalin...




Kung alam niyo lang...


mabuhay!!!

"Nakabunot ka na ba ng puno?"

Huwebes, Hunyo 9, 2011

"Nakabunot ka na ba ng puno?"






Nakabunot ka na ba ng puno? Kung ikaw hindi pa, ako nakabunot na. Hindi ko din sigurado pero ikaw na lang ang humusga.

Pasado ala-siyete na ngmakarating ako sa aming silid aralan. Chemistry ang first subject ko, pero tuwing umaga nag-gagardening kami. Nasa garden na ang mga klasmyt ko, kaya dumiretso na ko sa taguan ko ng galon. (Kailangan yung taguan mo ikaw lang ang nakakaalam dahil nanakawin yung galon mo.) Kinuha ko ito at madaling ipinila sa poso para maigiban. Pasimple kong nilagay yung dala kong bag sa upuan ko habang nag-iikot si maam sungit.
Pagkatapos bumalik na ko sa poso. Nandoon na ang lahat ng mga lalaking tagadilig ng garden. Ang mga babae naman tagabunot ng damo o tagawalis ng tuyong dahon.
Panay ang kwentuhan ng mga klasmyt ko sa poso. Tamang tagapakinig lang ako. Hindi pa kasi gumagana ng matino ang aking utak. Tapos yung boses ko tuwing umaga garalgal pa. Hassle kung makikipagkwentuhan ako. Dinama ko na lang ang masakit kong likod, dahil sa tama ng sapatos ko sakin. (Binato kasi ako ng nanay ko kanina dahil ayaw kong bumangon ng umaga.)
Ilang galon na lang at ako na ang mag-iigib sa poso. Matindihan pa rin ang kwentuhan ng mga klasmyt ko. Yung isa bumabangka pa. Pangarap daw niyang maging pilot ng gundam, yung napapanood namin sa telebisyon. Bilib na bilib naman yung iba kong klasmyt sa kanya. Ako naman nasa mundo pa rin ng panaginip. (Ay ako na pala ang magbobomba.)

Mabilis kong pinuno ang galon at dumiretso na sa garden. Baka tanungin pa ko kung anong pangarap ko. Mahirap na. (Eh ang pangarap ko pa naman ay iligtas si Erica sa masama niyang kuya, sabay tugtog ng ost ng daimos.)

Binuhos ko agad ang tubig sa halamanan. Parang hindi naman ako nagenjoy sa pagdidilig ko. Ang tagal kong pinila saglit ko lang tinapon. Mag-iigib pa sana ako pero pansin ko basa na ang buong garden. Kaya pumuwesto na ko sa bunutan ng damo.
Tumpok-tumpok kaming mga estudyante sa garden. Nakaupo at abalang nagbubunot ng damo, ang iba naman ay nagwawalis.

Nakikipagusap na ko sa mga halaman ng lumapit si maam sa akin. (Si maam ay 38yrs old na yata at dalaga pa. Kaya siguro sobrang sungit. Nga pala for the record, hindi siya bisaya pero bisaya ang salita nila sa cotabato. Taga-mindanao siya pero hindi siya muslim, kahit tunog bombay na siya magsalita.)

“Bunutin mo nga yung puno”, wika ni maam.
Naka-mini skirt na pula pa si maam nung mga oras na iyon. (Aha may date kayo mamaya maam noh.) Naglalaro na yung imahinasyon ko kung sinong lalaki ang tatagal sa kasungitan ni maam ng narinig ko ang muli niyang sabi.
“Hoy mr. blank bunutin mo yung puno”, nabanggit niya pa ng malakas yung apelyido ko.
“San maam?” tanong ko.
“Yung punong kaimito maam”, pamimilosopo ko sabay ngiti.
“Hindi, hayun bunutin mo yung punong yun”.
“Saan maam? Iyong mga tuyong sanga na yun”.

Ang damin niyang tinuro, at ang dami ko ring hinawakan. (Nakakainis bakit kaya hindi ko matsambahan yung punong sinasabi niya).
Halos limang minuto na siyang nagtuturo ng puno at ako naman limang minuto na ring naguguluhan. Yung mga klasmyt ko, hindi rin alam kung anong puno yung sinasabi ni maam. Tahimik lang silang nagmamasid sa eksena namin. Siyempre nainis na si maam, at naubos na ang pasensya nito. Nagtaka nga ako kung bakit tumagal pa ng limang minuto. (May date nga siguro si maam mamaya).

“Hayaan sa tabi mo, kung ahas yan kanina ka pa tinuklaw ”, wika ni maam.
(Kung ahas yung pinapabunot mo, baka sinasabi mo palang nakatakbo na ko noh.)
Tahimik lang ako, hindi ko talaga mahanap ang punong sinasabi niya.
“Saang puno ba maam?”
“Hayaan sa tabi mo, diyan sa paa mo”.
Tiningnan ko yung paa ko. Wala namang puno doon.
“Wala naman maam”
“Kapag nilapitan kita diyan kukurutin kita talaga”
(Aba lokong to tinakot pa ko, wala nga akong makita eh.)
Pero bago pa ko maka-react lumapit na siya at kinurot nga ako sa tagiliran. Masakit pero tiniis ko na lang. Habang kinukurot niya ako, tinuro niya yung halamang may bulaklak na diniligan ko kanina. (Pangiti-ngiti lang ako)
“Ayan, di ba puno yan?”.

Nagtatanong ba siya sakin o sa mga klasmyt ko. Pero kung sakin malamang isa lang sagot ko. Siyempre hindi. Pero walang sumagot kay maam. Takot lang nila.
Kaya binunot ko yung punong sinasabi ni maam. Halos hanggang tuhod ko lang ang taas at may mga bulaklak pa. (Puno na pala ngayon to. Pesteng buhay yan.)

Pagtapos ng klase namin. Tawanan at kantiyaw ang inabot ko. Sabi pa ng mga tropa ko, “pare tutulungan ka sana naming magbunot ng puno kanina. Naka-ready na nga kami eh.” 
Napangiti lang ako.
“Minsan talaga may mga bagay mahirap maintindihan kahit pilit mong intindihin”.

Dahil nagtiyaga kang magbasa ng istorya ko, may isa pa akong ikukuwento sayo. Hindi to nakakatuwa kaya kung ayaw mo ng drama pwede ka ng huminto rito. Hindi naman sa drama pero sobrang corny kasi. Ayaw ko ding sanang isulat kaso nakakatuwa dahil muli kong naalala ngayon. Sayang naman baka makalimutan ko ulit. (Warning mahaba to).

Buwan ng disyembre noon, hindi ko alam kung teachers week o student council week. Pero basta ito yung time na yung mga taga-seksyon 1, eh nagtuturo sa kapwa nila estudyante kapalit ng mga titser sa loob ng isang linggo.

At kapag ganitong mga pagkakataon malamang wala ako sa eskwelahan. Wala yata akong na-attend na mga program, event at activity sa iskul.

Pero minsan mapaglaro at nakakaloko talaga ang tadhana. Hindi ko alam kung bakit pero, nung martes pumasok kami. Hindi kami makapagbakod dahil bantay daw lahat ng spot ng mga guard.

Ang totoo hindi ako tumatagal sa loob ng eskwelahan ng maghapon. (Baka magkasakit ako). Sa loob ng isang linggo isang beses ko lang nakukumpletong pasukan lahat ng subject ko. Ganun na ko mula first year hanggang magthird year. “Habit” ko na to, “addiction” na parang hinahanap na ng katawan ko.
Kaya yung mga subject ko sa hapon bihira ko lang pasukan. Dahil pagtapos ng breaktime umuuwi na ko. (Oo tama isa akong professional katingero “pk”). O tumatambay sa bahay ng klasmyt ko at doon nagpapalipas ng oras.
Kaya nakakainis isipin na nung martes na yun, walang mga titser ay naroon kami sa eskwelahan. At kailangan kong makinig sa kapwa ko estudyante. (Hay buhay nga naman).
Unang nagturo yung super talino sa English na estudyante. Grabe hindi ba marunong magtagalog tong tukmol na to. (Napagalaman ko na ito ang top 1 sa section 1. Ito ay ayon sa mapagkakatiwalaan kong sources). Ang dami pang tanong sa buhay. Sino namang sasagot sa kanya, eh dapat English yung sagot. (Yeah damn right. Epistaxis).

Tahimik kaming lahat sa klase. Ako tamang rocking chair mode habang nakatingin sa langit sa labas. (Mannerism ko na to pagnakaupo). Nang biglang may umagaw ng atensyon ko.
“You there, don’t rock your chair”, sabi ni tukmol
Sasagot sana ako sa kanya kaso naalala ko hindi pala ako marunong mag-english. (Ay wag na lang pala). Pero asta pa rin akong tatayo.
Ng biglang tumayo yung tropa ko sa likod. (Hanep niligtas ako).
Tapos biglang sinabi nito, “The sun is the center of the solar system. Our planet…” with matching hand explination pa.

Tawanan lahat ng nasa loob ng classroom. Sasagot pa sana si tukmol sa trip ng tropa ko kaso nagbell na. (Yan ang nangyayari kapag pumapasok kami).
Sa wakas nag-breaktime din. Kaso sa malas, “hot spot” pa rin lahat ng “over the bakod”. Ang dami na ngang nahuli kaya tiis na naman ulit.

Sumunod na nagturo ay si math specialist. Grabe mas magaling pa yata to sa titser ko sa math eh. Pero dedma siya sakin. (Kilala ko kasi tong si math specialist. Mag-kabatch kami sa elementary nun). Dedma din naman ako kay MS. (Okay lang at least hindi niya ginugulo yung rocking chair ko). In-short nagco-existed na lang kami sa iisang oras sa magkaibang mundo.

Sa lahat ng nagturo mula kanina feeling ko si MS lang ang pinakinggan ng klase. Ang dami niyang naturong “short cut” and “technics” pagdating sa “computation”. (Pugay kamay para kay MS. Ayon sa source ko, isa sa kalabang mortal ni tukmol si MS pagdating sa top 1).

Pagtapos magturo ni MS, gusto kong magbreaktime muna. (Feeling ko magkakasakit na ko, last two subjects na lang kasi). Kaya bumaba ako kasama ang isa kong tropa para magpalamig muna.
Siyempre pagbaba ko, naharang pa ko ng ibang tropa at kakulitan. Tumagal ang dapat na 5mins na break. (Okay lang student teacher lang naman yun).
Pero siyempre pagpasok ko sa klase nakaramdam na ko ng hindi magandang pakiramdam. (Siguro may napapagalitan na naman). Tumingin samin yung estudyanteng titser ng tropa ko. Diretso lang kami sa upuan namin.

Pag-upo namin tuloy ang sermon ng bagong titser. (Rocking chair mode ulit ako).  Akala ko may pinapagalitan siya, pero nalula ako ng malaman kong values education subject na pala. (Grabe may estudyante pa lang gustong magturo ng values).

Kaya itong si miss values panay ang kwento tungkol sa mabuting asal at pagdidisiplina. (Nakakaloko talaga). Kung kanina si tukmol hindi namin maintindihan kasi English, ngayon itong si miss values lalong hindi namin maintindihan. Kasi hindi namin nakaugalian yung mga sinasabi niya. (Asa pa tong may makikinig sa kanya).
Tuloy ang rocking chair ko tapos tingin sa langit. (Nahihilo na ko baka may lagnat na ko ah). Tulala na ko at lumilipad ang isipan ng may sumigaw sa akin.

“YOU STOP ROCKING YOUR CHAIR!!!”.

Sa gulat ko muntik na kong mahulog diretso sa likod. Buti nandoon ang tropa ko sa likod at sinalo ko. (Hanep niligtas na naman).
Nang makaahon ako tiningnan ko si miss values. (Tatakutin ko sana pero natigilan ako. Ayon kasi sa source ko sa likod si miss values daw ay isa din sa mortal na kalaban ni tukmol at MS sa pagka-top 1. Sila daw tatlo ang “big top three”).

Ngumiti ako sa kanya at umupo ng maayos. (Hindi mo na ako kailangang sigawan, nakakaintindi pa rin naman ako).
Sinubukan kung makinig sa kanya, at pinansin yung tropa ko sa harap. (Kunwari na naman itong nagsusulat pero malamang nag-dradrawing to). Sa haba ng kwento ni miss values kahit isa wala akong naintindihan. (Mas natuwa lang akong titigan yung kilay niyang natural na nakataas)
Sa wakas pagkatapos ng 45mins na pagtitiis natapos din ang values. (Haist di ako papasok bukas sigurado).

Kinabukasan ganun ulit. Hot spot lahat ng bakuran. Nakakulong na naman kami. (Badtrip naman, bakit kasi sa loob pa kami ng iskul nagkita-kita pwede naman sa labas. Haist “wrong mode” kung pwede lang magremate eh).

Nagpalipas na lang kami ng oras sa campus ng mga tropa ko. Ayaw naming pumasok kaya tambay kami sa may maliit na batibot sa ilalim ng puno. Mga nasa kinse kaming lahat na nagkukuwentuhan. Last two subjects na lang ng biglang umulan. Mahina lang. (Yung tipong pwede mo pang lakarin pauwi).
Panay pa rin ang kwentuhan namin, dedma lang ulan. Hanggang may nagsuggest na kung sinong unang umalis babatukan. Nagkasundo ang lahat at pumayag sa trip na yun. (Hinubad ko na ang polo ko at tinakip sa bag ko).

Biglang tumahimik ang kwentuhan, pinakikiramdaman namin ang ulan. Sakto naman noong tumahimik kami biglang lumakas. (Yung tipong dapat ka ng tumakbo at sumilong kung ika’y naglalakad).
Niyakap ko na ang bag ko, ang iba naman naghubad ng polo para itakip sa bag nila. Naghuhubad ang isa kong tropa ng matulak ng isa. Lumabas agad sa bilog si tanga. Magpapaliwanag pa sana siya pero inulan na siya ng batok. Kami naman ng tropa kong isa, takbo papunta sa room.

Wala kaming ibang mapuntahan kundi sa klase namin. Upo ako agad, tapat sa bentilador para magpatuyo. (Dedma namin si miss values na nagtuturo).
Nilakasan ni miss values ang boses niya para mapansin namin. Umayos na lang ako ng upo at kunwaring nakikinig.
Nakatitig ako sa kanya. (Grabe ganda pala ng lips ni MV ah). Tapos yung tropa ko sa harap drawing mode na naman. Sinilip ko si MV din ang dinudrawing ni ulol ah. Napapakamot pa ito, tapos nagsasalita mag-isa.

“Ang hirap ng kilay niya”, wika nito.
“Nakataas kasi”, sagot ko.
Oo naman siya. (Napangiti lang ako, baliw ka).

Pinagmamasdan namin si MV dahil dinudrawing nga ng tropa ko. Nang makita naming binastos ng klasmyt ko sa harapan habang nakatalikod ito. (Nilabas ng baliw kong klasmyt yung ari niya at tinutok sa likod ni MV habang nakatalikod, tapos nung humarap mabilis na tinago).

Nagtatawa yung iba kong klasmyt. (Pero badtrip kami ng tropa ko). Nagalit din si MV, parang nasense niya na nabastos siya o nahuli niya din talaga. Inulan ng pangaral yung matangkad kong klasmyt. Pangiti-ngiti lang ito. (Pangiti-ngiti rin ako).

Tumalikod ako sa isa kong tropa. Tumingin ito sa akin at tumango lang.

Noong uwian na nakita namin yung lalaki kong klasmyt na matangkad. (Hanggang balikat niya lang ako at yung tropa ko hanggang balikat ko lang din). Lumapit ang tropa ko sa grupo nila. (Apat na malalaking tao yung pinakamaliit kasing laki ko).

Naghiwahiwalay kaming apat para makagalaw ng maayos.  Kunwari inasar ng tropa ko yung lalaking matangkad na bastos. At nung nagsalita para gumanti ng biro sinuntok na rin ito agad. Hindi naman umalag yung mga kasama nito at umawat lang. (Buti na lang).

Pagkatapos noon umuwi na kami agad. (Mahirap na baka makita pa kami ng mga titser talaga).
Sumunod na araw hindi na ko pumasok. Last day na yata ng klase ng teachers week ako nakapasok.
Pinagmasdan lang ulit namin si MV habang dinudrawing ng tropa ko ng nakapasok kami. Nagsuggest pa ko sa kanya kung paano yung tamang korte ng kilay hanggang makuha nito.
Nang matapos yung drawing, maganda rin naman ang kinalabasan. Tamang kwentuhan sa labas habang naghihintay ng last subject ng dumaan si MV.

Wala siyang ibang madaanan kundi sa harapan ko lang. Malayo pa lang nakatingin na siya sakin. (Ramdam ko 
na parang naiilang siya). Pero nang magkatitigan kami dun na tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung ilang oras, minuto, panahon o siglo. Basta tumigil ang lahat ng nasa paligid ko. (Exxage).

Alam ko ilang segundo lang yun, pero yun na yata ang pinakamatagal na segundo sa buhay ko. (Nakarinig pa ko ng nahuhulog na agos ng tubig, at naamoy ko yung mabangong hangin ng dagat... ang weird)
Mula noon tuwing nagtatagpo ang landas namin nagtitigan kami ng matagal. (O baka imahinasyon ko lang yun).

Ayon sa source ko Jem ang pangalan niya. Lahat impormasyon tungkol sa kanya ay madali kong nalaman. (Sikat pala siya sa iskwela).

Pati kung anong paborito niyang meryenda. (Pineapple juice at pan cakes). Pati oras ng break nila at kung saan siya nakatambay. Saan classroom ko siya makikita sa kahit anong oras. Pati yung eksakto niyang dinadaanan sa campus kapag lilipat ng room. (Pati trajectory alam ko). Ang totoo pati lugar ng kanilang tahanan alam ko. Pero kahit minsan hindi ako naglakas ng loob na lumapit sa kanya.

Kahit anong buyo ng mga tropa ko na kausapin ko daw kahit minsan lang hindi ko pa rin ginawa.
Pero ang pinakapinanghihinayangan ko ay ang hindi siya maisayaw sa graduation ball. Nakuntento na lang ako na pakunan siya ng larawan, para souvenirs ko. (Kala mo ha).

Wala akong camera, kaya nanghiram pa ko ng camera sa tropa kong babae. Tapos kinumtsaba ko yung isa kong tropa na kunan siya. At sinabi ko sa tropa kong babae na pagmay pics niya akin yun ha. (Nakuha ko din yung larawan niya at hanggang ngayon nakatago sakin).

Inisip mo kung bakit hindi ako ang kumuha ng larawan. (Magaling pa naman akong photographer). Ang totoo dala ko na ang camera nang lumapit ako sa kanya. Pero parang ramdam niya agad yung presensya ko, kaya parang alam niyang kukunan ko siya ng palihim. (Super stolen shot of the life time sana yun).  Kaya nung aakto na kong kunan siya, tinuro ako ng bestfriend niya sa kanya. (Caught in the act ako). Tumingin lang ako saglit sa kanya sabay talikod. (Ang tanga ko)

Hindi ko inisip na torpe ako. (Pero mukha nga). Basta naisip ko lang nung third at fourth year ako na kapag niligawan ko siya. Baka masira ang buhay niya at madamay sa mga kalokohan ko. (Kahit na hindi pa rin ako siguradong sasagutin niya... ang weird).
May time pa na sinabihan ako ng tropa ko na,

“Pare yan ang crush mo”
“Oo”
“Bakit di mo ligawan? Bagay naman kayo ah”.
“Pwede namang hindi ah”, sagot ko.
“Gusto mo ako na lang manliligaw?”
“Sapakin kaya kita noh”
Tumahimik siya, at mula noon sumikat si MV sa lahat ng tropa kong tarantado. (Wala ng pwedeng mambastos kay MV).

Battle of the band nun at section 1 ang organizer. (Dapat kasama akong tutugtog sa banda naming pinagsamang section 7 at 2, kaso umatras ako).
 Hinahanap si MV ni cor commander, (Ewan ko kung bakit). Kaya ng makita siya ng tropa ko tinawag siya sa pangalan nito at sinabi na hinahanap nga siya. Siyempre nagulat siya, tawagin ka ba naman ng di mo kilala. (Kengkoy pa naman yung tropa ko).

Nasa kalagitnaan ng battle of band ng biglang mag-brownout, tumabi na kami agad sa gilid. Niyaya na ko ng tropa ko dun malapit sa mga section 1. (Umuulan na kasi ng ice tubig, at minsan bato). Tamang bantay kami, nagkakagulo na rin ang mga Military Police na estudyante. (Madame na kasing nasasaktan).

Tinamaan na rin yung tropa ko ng ice tubig, basa yung uniform niyang pang-c.a.t. (Nakauniform lang kaming 3, habang ang lahat ay nakapangporma na, hindi pa kasi kami umuuwi galing sa bilyaran). Pero kahit tinamaan hindi pa rin kami nakisali sa kaguluhan. (Ang misyon namin ay bantayan lang ang mga section 1, ay si MV lang pala). Buti na lang at hindi na kami nasaktan at nakauwi ng maayos. (Thank you Lord).

Dalawang taon ko rin siyang lihim na minahal sa malayo.  (Kung nagsipag lang sana akong mag-aral mula first year naging magkaklase sana kami ngayong fourth year).  Masaya na akong makita siyang nagsusumikap sa pag-aaral. Iba rin kasi ang misyon ko, pangarap kong makitang grumaduate ang mga tropang kong loko-loko. (Buti na lang nagtiyaga din sila at nakatapos din).

Nag-aral na rin ako ng konti. Kaya noong malapit na ang graduation, kanya kanya ng hanap ng eskwelahan.
Ako nakahanap na at naghihintay na lang ng enrollment. Nakapasa na kasi ako sa PUP sta.mesa. (Ang dami ngang nagtataka kung paano ako nakapasa. Ang di nila alam nagtataka din ako). Milagro yon kasi simula section 3 to 7 ako lang ang nakapasa. (Ang nagagawa talaga ng pag-ibig). Minsan talaga hindi mo rin pwedeng husgahan ang kapangyarihan ng tsamba. (Lols).

Ang huling alaala kong nakita si MV ay noong pirmahan ng clearance at pauwi na siya. Habol ko siya ng tingin sa gate. Alam ko sa sarili ko hindi ko na siya makikita kahit kailan. (Dati ko ng naisip na ang mga panahong ito ang mga pagsisihan ko habang buhay). Habang palapit ng palapit siya sa gate, palayo ng palayo ang pagkakataong makasama ko siya.

Habang tanaw ko si MV naalala ko lahat ng alaala niya sa isip ko.

Yung nilapitan ko siya kasi laban ng section 1 at section namin sa volleyball. Nagtsi-cheer siya sa team nila habang simpleng tumabi ako sa likod niya. (Grabe ang bango pala ng buhok niya). Naramdaman niya ang presensya ko at tumitig sakin. Sabi ko na lang anong score na. (Pero ako din ang sumagot sa tanong ko sabay alis). Tinitigan ko lang siya saglit ng malapitan at tumalikod na.

Noong makita ko siyang bumili ng chocolate sa subic dahil field trip namin. (Tumugtog na naman ang falls sa isipan ko at bumango ang buong paligid).  Nagkatitigan na naman kami.  One lifetime yata yung tagal noon, sayang hindi ko naorasan.

Noong kumukuha siya ng sukli sa tindera at hindi siya pinapansin dahil madaming tao. Kaya ang ginawa ko nilakasan ko ang boses ko para humingi ng sukli. Pero pagkakuha ko ng sukli binigay ko din sa kanya. Ngiti lang ako sabay alis din agad. (Baka malaman niya na kaya ako binigyan agad ng sukli kasi kami ang nagnanakaw ng mga juice na tinda doon. Saka nanghihingi kami talaga ng sukli kahit hindi pa kami nagbabayad at may deposito pang kasama).

Noong ma-postpone ang klase dahil sa bagyo. Nagaabang kami sa labas ng eskwelahan ng masasakyan. Si MV naman ay hininhintay yung bestfriend niyang bumili ng fishball at palamig. Tinitigan ko siya, tapos nung naglakad na siya nakita niya ako at parang na-concious pa yata. (Feeling ko lang yata yun). Kasi nung tumingin siya sa akin di niya napansin yung sign na “School Zone” at nauntog. (Sana nakapikit na lang ako ng mga oras na yun).

Sa tingin ko nasaktan siya at tinitiis niya lang. (Kinamot niya lang kunyari yung ulo niyang nauntog). Kung siya dama niya ang sakit sa ulo niya. Dama ko naman ang sakit niya sa puso ko. (Wagas). Kinabukasan wala na yung “School Zone” sign sa harap ng eskwelahan namin. (Ang ganti ng api. Exxage).

At tuwing flag ceremony alam ko agad kung saan siya nakapuwesto. (May radar na yata ako sa kanya). Kahit yata ihalo mo siya sa karamihan malalaman ko yung eksaktong lugar niya within five minutes. (Exxage na naman). Pero ang totoo hinahanap talaga naming magkakatropa kung nasaan siya. (Suportado nila ang kahibangan ko eh).

At marami pang mga alaalang bumalik sa isip ko. Lahat yun ay parang mumunting pelikula sa aking isipan. Ang sarap isipin na minsan hindi mo kailangan malaman ng iba na mahal ka din niya ang mahalaga nararamdaman mo. (Mahal niya rin kaya ako?). Pero pakiramdam ko kasi laging nag-uusap ang aming isipan sa lengguwahe kami lang dalawa ang nakakaalam. Minsan hindi rin nasusukat ang pag-ibig sa oras na inyong pinagsamahan. Kundi sa mga epektong dinulot nito ng mga oras na minamahal niyo ang isa’t isa. Iniisip mo siguro napakababaw ko. (Siguro nga). Wag kang mag-alaala iniisip ko din.

Nung oras na makalabas si MV sa gate ng aming eskwelahan. Binaon niya ang aking taos pusong pagmamahal bilang isang kabataang umibig sa paraang inakala niyang tama. (Wag mo kong husgahan, nagkataong lang sa ibang panig ako ng kahon nakatingin). Kasama ng pagmamahal kong iyon ay aking pag-asang magkikita kaming muli at mapatunayang mahal niya rin ako sa normal na paraan ng mundo.

Nga pala for the record si MV ay 5’2” ang taas, may kapayatan, maputi, tuwid ang buhok (Hanggang likod) na manipis na parang blond kapag nasisikatan ng araw. Madalas siyang may dalang libro (Math and Science), tapos ang bag niya ay yung adidas na blue na may malaking tatak sa likod. (Uso yun dati). Hindi mo siya mapapansin dahil lagi siyang nakayuko maglakad. (Minsan lang siya magtaas ng tingin). Nakaboots siya na black (Na-late yata siya sa uso), tapos yung pantali niya yung kulay ng tiger (Lagi siyang naka-pony tail). Nakataas lagi yung manipis niyang kilay, mapulang labi, kyut na ilong. (Basta simple lang siya, hirap i-describe. hehe).

Siyanga pala si MV rin ang editor-in-chief ng diyaryong “The Capitol” at ng “Ang Parola”. (Mas magaling siyang mag-english kay tukmol). Ito yung opisyal na diyaryo ng eskwelahan namin. Gusto kong sumali dito dati pero bawal ang mga taga-lower section na tulad ko.  (Ang totoo marami pang pribilehiyo ang bawal sa mga lower section, kaso ibang kwento na yun). Pero kahit siguro mag-try ako dun di rin ako papasa. (Panget kasi ako sumulat).

Kung itatanong mo kung nagkita pa kami pagtapos noon. Sa kasamaang palad hindi na. (Alam ko na iyon sa simula pa lang). Hindi na itinulot ni Jehovah na pagtagpuin kami. (Jehovah’s Witnesses pala si MV. Kaya siguro magaling siyang mangaral). Ayon sa mapagkakatiwalaan kong source (yung ulol kong tropa hanggang ngayon, na nangakong hahanapin si MV) may asawa na raw ito at nasa Israel at doon namumuhay ng maligaya.

Pahabol lang hindi pala kami nagusap kahit minsan. Pero alam niya kung sino ako. (Paano niya nalaman? Malay ko). Sinulat niya kasi ang pangalan ko sa year book namin. Sinama niya ako sa iilang estudyanteng nagtagumpay sa buhay na bumalik sa eskwelahan after ten years para sa reunion. (Nga pala ngayon na ang reunion namin). Pero hindi ako nagtagumpay ayon sa hula niya. (Tumama lang siya sa pangalan ko).

Wakas.

Salamat sa pagbabasa…

Ang nabanggit na pangalan ay hindi tunay na pangalan ni MV. (Naloko kita).
 Hindi lahat ay totoo. (Wag kang magpadala. Pangpalito lang).

Mabuhay!!!




















"Makabagong Kabataan"

Linggo, Hunyo 5, 2011

Makabagong Kabataan


Kaming mga makabagong kabataan
Karaniwan hubad sa katotohanan
Madalas kaming maghanap ng kasagutan
Sa marami naming mga katanungan

Karaniwan di niyo kamin pansin
Madalas galit kayo sa amin
Dahil ayaw niyo mang aminin
Alam niyong may nais kaming iparating

Kaming mga makabagong kabataan
Marami kaming nais ipaglaban
Kapayapaan para sa’ting mga kababayan
Kaginhawaan para sa salat sa kayamanan

Ano bang dapat naming gawin?
Upang dinggin niyo ang aming hinaing
Di lang naman ito sa amin
Kundi para sa inyo na rin

Isa lang naman ang nais naming ipabatid
Pakinggan niyo naman sana ang aming tinig
Ang nais namin ay pagbabago
Hindi ng kung anu-anong galing sa inyo
Kung ninais naming magkaganito
Sana naman hindi titulado

Kaming mga makabagong kabataan
Ay mayroong isang munting pangarap
Na pag kami ay nagkaanak
Nawa'y sana di tulad naming hubad

mabuhay!!!

para sa himig handog sa makabagong kabataan.
hehe..

“Tagahanga ng fan ni Yamapi”

“Ang tagahanga ng tagahanga ni Yamapi”

Dati ayaw ko ng mga gawa niya

Mga kwento, tula at sari-saring istorya

Hindi ko kasi gusto ang kanyang mga tema

Puno ng pag-ibig at kwentong pang-tropa

At madalas tungkol kay Yamapi na di ko kilala

Merong pa nga minsan may nasabi pa siya

Sana meron siyang laruan katulad kay Nobita

Na nanggaling kay Doraemon para makalipad siya

Hindi ko alam kung bakit nung una

Pero ng tumagal parang alam ko na

Gusto niya raw puntahan si Yamapi sa konsyerto niya

Hindi ko alam kung tao to si Yamapi o istorya

Pero naisip ko malamang guwapo to at isang artista

Naisip ko ganito lang siguro ang mga kabataan

Lagi tayong ng naghahanap ng ating hahangaan


Hanggang isang araw biglang nagbago siya

Dahil ang kanyang mga likha ay nagiging interesante na

Naisip ko tuloy mukhang  gumagaling na siya

(O baka matagal na siyang magaling talaga

At ako lang ang hindi marunong magpahalaga)

Dahil ang paggamit niya sa mga letra ay may kahulugan na

At meron pa siyang istorya kahit ako nadala

(Bakit kailangan patayin ni Lando ang mga kaibigan at mahal niya?)

Hindi ko na rin maintindihan ang mga gawa niya

Siguro nasa ibang pahina na siya ng istorya

At ako hanggan ngayon ay nasa panimula pa

Kaya pala ang madalas na bigkas niya

“If you follow me I promise I run slow “na

Ganun na ba kalayo ang pagitan naming dalawa?

At kailangan niya pang magbigay sakin ng partida

Pero ayaw ko na ring habulin siya

Baka sa sobrang layo niya maubos na ang aking paa

At sa pagod ko baka mawalan pa ko ng baga

Kaya kahit ganito masaya na kong tanaw tanawin siya

At pilit intindihin ang mga likha niya

Malayo man ang pagitan naming dalawa

Aabot din ang paghanga ko sa kanya

Tulad ng paghanga niya kay Yamapi sa ibang bansa

Na abot langit at ilalim ng lupa

mabuhay!!!

"Tula ng huwad na makata"

"Tula ng huwad na makata"


Malalim sa kababawan

At basang katotohanan

Pawang kasinungalingan

 At huwad  na kabutihan


Dinadakila  ang langit

Habang ngiti’y nasa lupa

Niyayakap ang pag-ibig

 Subalit malayo sa kapwa


Nagpapanggap na matuwid

At lasing sa maling gawa

Kaya’t ang kanyang nakamit

Ay mga tropeyong lata


Bulok na katalinuhan

Kanyang ipinamahagi

At wagas na kamangmangan

Ang sa kanya’y namutawi


Ako ang masamang kampon

At ito ang pekeng tula

Ako si "abuhing dahon"

Ako ang huwad makata

mabuhay!!!