Eksamz
Rewind tayo ng konti..
Let me put you back to day when I was in hayskul again.
*(wala tong kinalaman kay MV..na-get over ko na siya) hehe..
Second year hayskul..
Third grading period exam.
Alam natin ang pakiramdam pag-exam.
Tahimik at seryoso lahat ng estudyante.
Parang bawal nga ang magbiro at magpatawa.
Kasi bawal ang maingay kapag nag-mememorize.
Pero kahit anong gawin meron pa ring makukulit na hindi dapat kalimutan..
Sila yung mga tipong nagpapa-relax ng isipan.
O pwede ring sabihing nagpapalimot sa ating mga pinag-aralan..
Anong kinalaman ng mga sinabi ko kanina..
Wala siyempre.. Pangpahaba lang yun noh..
hehe..
Sa eskwelahan namin two days ang eksam..
* thursday and friday
Whole day ito..
Depressing at nakakaloko..
Sa katulad kong ayaw mag-stay sa eskwelahan.
Kailangan kong matapos ang exam sa loob ng kalahating araw.
Para pagnakatapos pwede ng magliwaliw at hanapin ang nakatagong kwento sa araw na iyon..
Maraming paraan para makatapos agad ng exam..
Dahil A,B,C,D ang choices napakadali lang nitong hulaan..
20mins lang yung.. 5mins per test paper..
Karaniwan na 50 items ang question and 4 choices of answer.
So kung huhulaan mo lang, may 25% kang possibility na makatama ka bawat question..
.25 multiply by 50.. 12.5pts.
Ipagpalagay mo ng 10pts para sureness..
At least di ka bokya..
Kung iisipin mo na meron ka ng 10pts na sure points..
Hula pa lang yun..
At 25pts lang ang passing..
15pts na lang pasado ka na...
Siguro naman out of 50 question meron kang natandaan kahit mga limang sagot na alam mong tama..
Browse ka lang ng konti sa questionnaire..
Pagtapos sumagot ka ng akala mong tama..
Saka mo na gawin ang secret technique..
A=Aywan ko
B=Bahala na
C=Mag-CC ka sa ginawa mo
D=Dapat lang
Just follow this format base sa inyong nararamdaman..
Sigurado ako..
Papalo ng 10pts na kulang yan..
Presto 25pts ka...
Pasado na..
Biro lang..
Mag-aral ka para pumasa noh.
Ginagawa ko lang yan kasi gusto kong makauwi na agad..
hehe..
Nakakaloko ba ang style ko..
Pero merong pa akong kilalang may mas nakakalokong style..
Jeffrey's way of answering..
Ganito ang sa kanya..
Step 1: Kumuha ng walong papel na pinilas sa rectangle
Step 2: Isulat ang mga letters na A,B,C,D. ng Tig-dadalawa.
* 2 each dapat para madami at pwede kang umulit ng dalawang beses..
Step 3: Irolyo ang mga papel at gawing parang maliliit na palabunutan..
Step 4: Ilagay sa bulsa ng polo o kaya pencil case.. baso ng palamig o softdrinks.
Step 5: Bumunot ng isa..Tingnan ang letrang nabunot at isulat ang sagot sa Testpapers..
*wag kalimutang alugin at isoli ang nabunot pagkatapos maisulat ang sagot.
Gawin ng paulit-ulit hanggang matapos..
Base sa aking karanasan at pagkakita kung paano ito ginagawa..
Labinglimang minuto lang ang iyong kailangan hanggang 30mins..
Tapos lahat ang iyong 4 exam...
Kung itatanong niyo kung nakatapos ng pag-aaral si Jeffrey..
Oo naman..
Kung nakapasa ba siya sa eksamz..
Siyempre hindi..
Pero natuto ako sa kanya..
Mali ang kumopya..
At mahirap manghula..
Lahat ng bagay ay may paraan..
Wala pang tanong na hindi nasasagutan..
Kung hindi mo susubukang paghirapan..
Wala kang mapapatunayan..
mabuhay!!!
"Eksamz"
Ipinaskil ni
snavero
sa
8:15 PM
0
(mga) komento
“Hello Kamatayan”
Ipinaskil ni
snavero
sa
6:24 AM
0
(mga) komento
"buwan"
"Buwan"
Hawak kamay sa ilalim ng buwan
Habang naglalakad sa dalampasigan
Dalawang pusong nagmamahalan
Ang aking nasaksihan
Tangan ay tungkod tungong hantungan
Binabagtas ang masukal na daan
At kahit parehong luhaan
Kanilang mga ngiti ay iyong mababanaagan
mabuhay!!!
Ipinaskil ni
snavero
sa
6:39 AM
0
(mga) komento
"Kwento"
Ipinaskil ni
snavero
sa
5:07 AM
0
(mga) komento
"Lahat naman pwede eh"
"Lahat naman pwede eh"
Linggo na naman..
Dapat magkikita kami mamaya, pero hassle kasi sinama siya ng tiyahin niya.
*(Kung saan? Hindi ko na rin inalam..)
Dahil biglaang postpone..
Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko..
Kaya pumunta pa rin ako sa dating tagpuan.
*(Sa tirahan ng mga manunulat)
Umupo ako sa dating naming inupuan.
Naghintay..
Nagabang..
Nag-isip.. Naghihintay ng bagong trip..
Inalala ang mga larawang nakunan ng tadhana noong kami'y parehong nakaupo sa lugar na ito..
Napangiti..
Nalungkot..
Napatingin sa mga taong patuloy ang habol sa buhay habang tahimik na dumadaan..
Napabuntonghininga.. *(May lamang takot at kaba)
Itutuloy ko ba to o hindi na?
Sige bahala na..
Kapag wala ka ng no-choice lahat ng kakulitan pwede..
Bumili ako ng ballpen.. *(Yung tig-21php)
Kumain ng burger at cokefloat..
Nagpractice magsulat..
Nag-isip ng sasabihin..
Nang mga korning nilalaman..
Ng aking saloobin..
Pumuwesto ulit sa dating upuan..
Kinumpleto ang mga letra..
Pinagsamasama sa iisang papel..
Paulit-ulit na binasa..
Nagdarasal na walang nakalimutang ideya..
Bumili ako ng card..
Humanap ako ng bagay sa aking munting likha.
Likha o katha man ang aking gawa..
Hindi ko masabi.. Medyo lulong na ko sa trip kong ito..
Humanap ng tamang lugar na pagsusulatan..
Final touch..
Dapat kahit hindi perfect..
Basta presentable..
Malas wala akong mahanap..
Kailangan kong mapag-isa..
Yung may upuan at lamesa..
Ilang minuto na..
Wala pa ring makita..
Haist malas talaga..
Naiihi na ko sa kaba..
CR mode muna..
Pagpasok ko sa kubeta..
Presto.. Upuan at lamesa.
Mag-isa ka pa..
Ang lakas talaga ng aking tsamba...
So start na..
Hala sige sulat..
kahit pangit basta readable..
Badtrip na bolpen to..
Ayaw pang makisama..
Ayaw tumulo ng tinta..
Awts..
Tuloy pa rin..
Kahit dalawang patong ang pasada..
Kumulay at mabuo lang ang letra..
Labing limang minuto na ko sa kubeta..
Kinalampag na ko ng janitor..
Nakakaloko..
Nakakainis..
Gusto kong maheart attack..
Pero ayaw, kaya tiniis ko na lang ang kaba..
Sa wakas natapos din..
Whoooh.. Sigaw sabay labas...
Success..
Ngiti ang janitor..
Ngiti din ako..
Sa isip ko..
Hindi ako tumae loko..
I just made my best shits ever..
Kuha mo..
Balik ako sa tagpuan..
Hinanap ang dating libro ni madam prosecutor..
Ito lang ang librong tanda niya na hindi pupuntahan ng tao..
Sigurado ako sa kapal ng librong ito safe ang epistle ko rito..
Tumingin sa cashier sa gilid..
Timing lang na hindi siya tumingin..
Inangat ang book..
Sabay singit sa ilalim...
Patong ulit doon sa shelves..
Hayy.. Finish..
Finish or not finish pass your letter..
Dinukot ko ang mahal kong phone..
Sabay text...
Location..
Description..
Hindi lang kasama ang intention..
Pero malamang alam niya din yun..
Sabay talikod..
Hingang malalim..
Dasal konti..
Pakiusap mga dakilang manunulat..
Ipaabot niyo ang aking munting sulat..
mabuhay!!!
Ipinaskil ni
snavero
sa
9:47 PM
0
(mga) komento
"Mga Dapat Tandaan"
Mabuhay!!!
Ipinaskil ni
snavero
sa
8:59 AM
0
(mga) komento
sagot sa komento..
sagot sa komento..
ang musika ay laging nasa ating isipan..
ito ang naririnig ng ating kamalayan...
ang bawat tibok ng puso ay parte ng uyayi ng ina sa musmos na sanggol sa kanyang pagtulog..
lahat ng ating narinig ay mananatili sa ngiti ng ating pagidlip..
kumustahin natin ang ating mga alaala,
at huwag nating kalimutan ang nakaraan.. =)
mabuhay...
Ipinaskil ni
snavero
sa
5:54 AM
0
(mga) komento