“Ang mundo ko ay bilog”

Lunes, Mayo 23, 2011

“Ang mundo ko ay bilog”


Ang mundo ko ay bilog

Paikot-ikot

Di napapagod

Di nahuhulog
(2x)

Ano mang aking gawin

Maglaro man sa bituin

Sumayaw sa hangin

Tumalon man sa bangin

Malunod man sa dilim

At mawalan ng paningin

Di man mapansin

Buhay ay tuloy pa rin

Makipaglaro ng habulan

Na kasama ang ulan

Maglakad man sa arawan

Basta’t kasama ay ikaw


Ang mundo ko ay bilog

Paikot-ikot

Di napapagod

Di nahuhulog


Kumain man ng apoy

Malunod man sa kumunoy

Makipaginuman kay buloy

Matalo man sa pusoy

At kahit na walang pera

Kahit puro problema

Maubos man aking letra

At di matapos itong kanta

Basta’t kasama lang kita

Ang mundo ko’y mag-iiba


Ang mundo ko ay bilog

Paikot-ikot

Di napapagod

Di nahuhulog


At kahit san man mapunta

At kahit pa wala ka na

Kahit pa mag-isa

At habang buhay maging tanga

Kahit wala na si superman

At di na uso si batman

Mamatay man si spiderman

Hehehe. Wag naman

Basta’t iyong asahan

At laging tatandaan

Sa oras ng kagipitan

Ililigtas kita!!! Peksman!!!


Ang mundo ko ay bilog

Paikot-ikot

Di napapagod

Di nahuhulog

mabuhay!!!

2 (mga) komento:

Unknown ayon kay ...

kaninong may ari ng tulang ito??..pwede po bang malaman?

Unknown ayon kay ...

Akin po sir.. hindi po sya tula.. kanta po sya..

Mag-post ng isang Komento