"Tentenenen ten"

Miyerkules, Mayo 25, 2011

"Tentenenen ten"

Ito ang aking musika
Ito ang aking tula
Dinggin ang aking panata
Hiyaw ng isang tulala

Tentenenen ten, ten ten
Tentenenen ten, ten ten
(2x)

Paliparin ang iyong isipan
Iwaksi ang kamalayan
Lutasin ang mga problema
At sumabay sa aking kanta

Panalangin ang iyong dinggin
Iligtas kami sa dilim
Luha ko ay iyong pahirin
Kami ay iyong yakapin
(2x)

Tentenenen ten, ten ten
Tentenenen ten, ten ten
(2x)

Kami ay mga dukha
Mayaman lang sa salita
Salat kami sa kayamanan
Biktima ng kahirapan

Tentenenen ten, ten ten
Tentenenen ten, ten ten
(2x)

Ibalik ang aming pagasa
Ang ngiti at ang aming saya
Itigil ang maling pulitika
At  makinig sa aking kanta

Panalangin ang iyong dinggin
Iligtas kami sa dilim
Luha ko ay iyong pahirin
Kami ay iyong yakapin
(2x)

Ito ba ang ating panata?
Ito ba ang ating adhika?
Na  mamulat ang bawat bata
Na sa kahirapan ay pinagpala

Tentenenen ten, ten ten
Tentenenen ten, ten ten
(2x)

mabuhay!!!


0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento