“KKK”

Linggo, Mayo 29, 2011

“KKK”

Kailan kaya mamumukadkad ang dahon

Kailan magniningning ang puno

Kailan ngingiti ang pagkakataon

Kailan magmamahal ang gamu-gamo


Kapag sunog na ang kanyang pakpak

Kapag buhay wala ng pag-usad

Kapag pangarap ay puno ng sugat

Kapag kinang ay paandap-andap


Kailan magtatagpo ang dahon at alitaptap

Kailan ang mga mata nila mangugusap

Kailan sila magyayakap

Kailan sila sabay na mangangarap


Kapag ang dahon ay namukadkad

Kapag ang alitaptap ay nagliwanag

Kapag langit ay hawak-hawak

At kapag mga kamay ay nagdaop-palad


mabuhay!!!







0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento