Linggo, Mayo 29, 2011

Halika
(12, 13)


Halika bagtasin natin itong tulay

Yakapin nating nakangiti yaring buhay

Ipaling mo ang timon sa bandang kanan

Huwag mong ihihinto ang iyong pagsagwan


Halika’t hawakan mo ang aking kamay

Iaahon kita at magsisilbing gabay

Aking itatabi ang lahat ng hadlang

Para sa ikabubuti ng iyong hakbang


Halika sa bundok at tayo’y maglakbay

 Atin nang tuklasin ang buhay na makulay

Ako ang sasalo ng iyong likuran

Kapag pagbagsak ay di mo maiwasan


mabuhay!!!

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento