hmm.

Miyerkules, Mayo 25, 2011

"hmm"

Hindi ako nalulungkot
Hindi ako umiiyak
Hindi ako natatakot
Sa mga bagay na hindi tiyak

Peke ang iyong nakikita
Na luha sa aking mata
Napuwing lang ako kanina
Nang oras na may sinabi ka

Kaya’t wag mo kong pansinin
Wag mo kong alalahanin
Ang iyong saranggola ay paliparin
At sumabay ka sa hangin

Dahil ang buhay ay isang palaisipan
Hindi agad pwedeng sagutan
Kailangan munang pag-aralan
At matuto sa kabiguan

Ituloy mo ang paghamon
Sa lahat ng mga pagkakataon
Wag ka nang lilingon
Dahil magkikita rin tayo dun

 Hmmm… Hmmm…
Hmm hmm hmm hmm

Pero hindi totoo yun
Nagloloko lang ako nun
Hindi kita hahabulin
Kapag lumayo ka na sa’kin

Dahil ayokong maging sagabal
At ikaw ay bumagal
Sa iyong paglalakbay
Sa maganda mong buhay

mabuhay!!!

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento